Monday , December 23 2024

Hapilon ‘nakorner’ sa US$5-M patong sa ulo

053017_FRONT

MARAMING grupo ang nag-uunahan na makakobra ng $5-M reward kaya hindi makalabas ng Marawi City si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon, ang isa sa mga itinutu-ring na Most Wanted Terrorist ng Amerika.

“The Rewards For Justice Program, United States Department of State, is offering a reward of up to $5 million for information leading directly to the apprehension or conviction of Isnilon Totoni Hapilon,” sabi sa Federal Bureau of Investigation (FBI) website.

Batay sa impormas-yong nakarating kay Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman Restituto Padilla, nasa loob pa ng Marawi City si Hapilon kaya malakas ang pagdepensa ng mga teroristang grupo upang hindi lubos na mabawi ng pamahalaan ang siyudad.

“Sa ngayon, may impormasyon at naniniwala kami na nariyan pa siya at maaaring ito ang dahilan kaya ang pagdepensa sa mga ilang lugar ay nagiging matindi. So ‘yun lang po ang masasabi ko sa ngayon,” ani Padilla sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Tatlong terror groups ang nagsanib at naki-kipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City para sa ‘kaligtasan’ ni Hapilon mula nang ideklara ang martial law noong nakalipas na linggo, ang ASG, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Maute Group, pawang naki-kisimpatiya sa adhikain ng international terrorist group Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Hinimok ni Padilla ang mga residente ng Marawi City sa siyento porsiyentong pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang madakip si Hapilon sa ikatatahimik ng kanilang siyudad.

“Nasa interes po ng bayan, nasa interes po ng bawat mamamayan ng Marawi na makuha po siya,” dagdag ni Padilla.

Batay sa FBI website, si Hapilon ay sinampa-han ng kaso sa District of Colombia dahil sa pagkakasangkot sa terroristic acts laban sa mga Amerikano at iba pang mga dayuhan sa Filipinas.

“Isnilon Totoni Hapilon was indicted in the District of Columbia, for his alleged involvement in terrorist acts against United States nationals and other foreign nationals in and around the Republic of the Philippines. Hapilon allegedly served as deputy or second in command for the foreign terrorist organization, Abu Sayyaf Group (ASG). This organization of armed individuals allegedly took the foreign nationals hostage and committed violent acts against them to include murder,” anang FBI.

Nabatid na si Hapilon, 51-anyos,  ay nagtapos ng kursong Engineering sa University of the Philippines (UP) at nakapagsasalita ng wikang Tausug, Tagalog, English at Yakan.

Matatandaan, ina-kusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidente Benigno Aquino III na nakipagsabwatan sa Central Intelligence Agency (CIA) para isuga ang mga opretaiba ng Special Action Force (SAF)  sa operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin Hin alyas Marwan at nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF commandos noong 25 Enero 2015.

Ani Duterte, ginamit ni Aquino ang mga pulis, pinabayaan na magmani-obra ng operasyon si noo’y suspended PNP chief Alan Purisima para sa limang milyong dolyar o 25 million pesos na pabuya sa ulo ni Marwan.

ni ROSE NOVENARIO

NARCO-POLITICIANS NA FINANCIER
NG ISIS TARGET NG MARTIAL LAW

HINDI lang mga terorista, target na rin ng martial law sa Mindanao ang narco-politicians na nagpopondo ng kanilang mga pag-atake sa rehiyon.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu kamakalawa, maglalabas siya ng isa pang general order na magsasali sa illegal drugs sa susugpuin ng batas militar na kanyang idineklara sa Mindanao noong 23 Mayo.

Matatandaan, ang rason na ibinigay ng Pangulo sa pagsailalim sa Mindanao sa martial law ay rebelyon o pag-atake ng Maute/ISIS sa Marawi City nang tangkang ares-tohin ng mga awtoridad si ASG/ISIS leader Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute, mga pinuno ng Maute terror group.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang magbabalangkas at administrador ng martial law.

“Ang first declaration ko was lawless elements kasali ang droga. ‘Yun nga ang number one. Isali ko na ngayon kasi ang rason na ibinigay ko sa declaration ng martial law, rebellion. I will come up with another general order. I think Lorenzana will do it. Siya ‘yung administrador ng martial law. Wala man kayong masabi. Military man rin ‘yan Delfin na ‘yan. Pati droga,” ani Duterte.

Dahil suspendido ang writ of habeas corpus, ipi-naalala ni Duterte sa mga taga-Mindanao na puwedeng arestohin ang sino man at uubrang maghalughog ang mga awtoridad kahit walang search warrant.

“Remember dito, walang warrant kailangan. Remember dito, I’d like to remind the entire Minda-nao, walang warrant to search, to arrest. ‘Yan ang tandaan ninyo. At wala kayong habeas corpus because the suspension of the writ of habeas corpus isinali ko na. Now nga-yon, nasa inyo ‘yan. But I advise you, tapusin na lang natin. Kaya sabi ko huwag ninyo akong pilitin kay ‘pag pinilit ninyo ako riyan, sosolbahin ko lahat ng problema ang naiwan,” dagdag niya.

“We will go after drugs and you can arrest them without warrant and you can search their houses without a search warrant,” sabi ni Duterte.

Nagsimula aniya ang terorismo sa pagpopondo ng drug money na sinak-yan ng extremism ng ISIS na walang ginawa kundi maghasik ng karahasan gaya ng pagpugot sa ulo ng kanilang mga bihag.

Tiniyak ng Pangulo, walang makukulong na pulis at sundalo sa pagpapatupad ng kanyang utos na ipatupad ang batas militar.

“It is a military rule, you take over certain functions from the civilians and I will do it by general orders pati ASSO. Wala akong Congress except ‘yung general order ko.‘Yung arrest, search and seizure order galing ‘yan sa DND. ‘Yan, para malaman ng lahat,” giit ng Pangulo.

Naunang inihayag ng Pangulo na ang magka-patid na Maute ang nagtayo ng pinakamamala-king shabu laboratory sa Lanao del Sur.

Kaugnay nito, isiniwalat ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, na narco politicians ang umaayuda sa Maute Group.

“Even before ‘yung July 1, pag-assume natin, ini-announce natin na mag-surrender iyung drug lords, we received information na lahat, karamihan ng drug lords dito sa Metro Manila, Luzon and Visayas ay pumunta doon sa Marawi at nagkaroon sila ng drug summit and they were protected by the Maute Group,” ani Dela Rosa sa press briefing sa Camp Crame kahapon.

Matatandaan, noong 7 Agosto 2016 ay kasama si dating Marawi City Fahad Salic sa listahan ng narco-politicians na ibi-nulgar ni Duterte.

Si Salic ay dating asawa ng aktres na si Alma Moreno, at napaulat na isa sa mga umano’y ka-sabwat ng Maute Group.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *