Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Priority bills nabuburo sa Kongreso

SA pagpapatuloy ng sesyon ng 17th Congress sa Martes, May 2, kailangan bigyang atensiyon ng legislators ang mahahalagang panukalang batas na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasa sa House of Representatives at Senate.

Sa halos isang taong panunungkulan ni Pa-ngulong Rodrigo “Digong” Duterte, mabibilang sa daliri ang mga proposed bills na dapat ay matagal nang naging batas.  Masasabing ang politika o pagiging partisan ng mga mambabatas ang dahilan kung bakit ang output ng Kongreso ay napakababa pagdating sa paggawa ng batas.

Tulad ng federalismo, emergency powers para  maresolba ang problema sa trapiko, tax reform at pagpapalawig sa passport validity na kabilang sa mga priority bills ng administrasyon ni Digong, ay patuloy na ‘natutulog’ sa Kongreso at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad sa mga committee.

Kalimitang mga balakid sa pagsasabatas ng isang proposed bill ay pagtutol ng civic groups o non-governmental organizations at ang malalalang problema sa kawalan ng quorum sa Kamara.  Hindi lamang bibilang ng buwan ang isang panukalang batas para pumasa sa committee level pero maaari pa itong umabot nang taon para lamang maaksiyonan.

Sa Kamara, sa kabila ng sinasabing super majority coalition, hindi maikakaila na malala ang bangayang politika sa pagitan ng Liberal Party na hanggang ngayon ay pinamumunuan ni da-ting Pangulong Noynoy Aquino at ang grupo ng PDP Laban ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa Senado, ganoon din ang nangyayari.  Malala rin ang awayan sa pagitan ng pro-Duterte senators at LP senators. Parang Syria na maituturing ang bakbakan na nangyayari rito lalo na kung bumabanat sina Senador Antonio Trillanes IV, Leila de Lima, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Kaya nga, hindi natin alam kung ano ang pa-tutunguhan ng mahahahalagang panukalang batas na nakabinbin sa Kongreso, gaya ng FOI, Salary Standardization, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Abolition of Labor Contractualization, Anti-Political dynasty, Anti-Discrimination sa (LGBT), Divorce bill at iba pang panukalang batas.

Isa pa sa problemang kinakaharap ngayon ng Kamara ang pagkakadawit sa eskandalo ni Alvarez na inamin niyang mayroon siyang kabit tulad din ng kaso ng kanyang kalabang mambabatas na si Rep. Antonio Floirendo, Jr.

Nakalulungkot dahil sa halip na asikasohin ang pagsasagawa ng mga batas, nauuwi sa politika at personalan ang away sa Kongreso. Maraming mga panukalang batas na dapat ay pinagtutuunan ng pansin para sa kapakinaba-ngan ng taongbayan ngunit naisasantabi at nababalewala dahil sa mga personal na away at pamomolitika.

Kailan kaya magkakaroon ng katahimikan sa Kamara at  Senado?  Sayang ang perang iginugugol ng taongbayan sa mga walang kakuwenta-kuwentang mga mambabatas.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *