Monday , December 23 2024

Noynoy arestohin (Sa war crimes, crimes against humanity, HRVs) — NDF

ARESTOHIN si dating Pangulong Benigno “Noy” Aquino III, at iba pang dating matataas na opisyal ng kanyang gobyerno sa mga kasong war crimes, crimes against humanity at mga seryosong paglabag sa international humanitarian law at human rights law.

Ito ang naging hatol ng People’s Court ng National Democratic Front- Southern Mindanao Region (NDF-SMR) kina Aquino, North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Representative Nancy Catamco,  at iba pang opisyal ng pulisya’t militar bunsod ng madugong dispersal ng barikada ng mga magsasaka o Kidapawan massacre.

Noong 1 Abril  2016, nagbarikada ang may 6,000 Lumad at magsasaka sa national highway sa Kidapawan City bilang protesta sa labis na kapabayaan ng reaksiyonaryong pambansa at panlalawigang pamahalaan sa malubhang kagutumang nararanasan ng mga residente ng rehiyon dulot nang malalang tagtuyot.

Naging marahas ang pagpisak sa mga raliyista na  ikinamatay ng dalawang sibilyan, seryosong pagkasugat ng 34, at pagdakip sa 79 katao, siyam sa kanila’y mata-tanda at lima ang buntis, na sinampahan ng mga imbentong kaso ng pulis-ya.

Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang ang sapat na seguridad at proteksiyon kay Aquino at iba pang personalidad na ipi-nadarakip ng rebolusyonaryong kilusan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iisa lang gobyerno, gayondin ang justice system sa Filipinas kaya’t ang kinauukulang awtoridad ang magpapasya sa isyu ng ma-dugong dispersal ng mga magbubukid sa Kidapawan.

“We only have one government and one justice system in the Philippines. Only the appropriate body can rule on the issue of the violent dispersal of farmers in Kidapawan. Be that as it may, security measures are in place to guarantee the protection of the former President and other personalities mentioned by the announcement of the National Democratic Front,” ani Abella.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *