Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Chinese IT engineer utas sa ambush

PATAY ang isang Chinese na Information Technology (IT) engineer, makaraan pagbabarilin ng isa sa grupo ng kalalakihan lulan ng kotse sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Makati Medical Center si Andy Bai, 24, ng 11G One Central, Brgy. Bel-Air, sanhi ng tama ng bala sa tiyan, mula sa kalibre .45 baril.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang panagutin sa insidente.

Base sa ulat kay Makati City Police chief, Senior Supt. Dionisio Bartolome, dakong 3:10 am nang mangyari ang insidente sa  L.P. Leviste St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air, ng lungsod.

Sa pahayag sa mga awtoridad ng kaibigan na si Jason Tan, 25, kasama niyang naglalakad si Bai patungo sa car park, nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng puting Sedan (NSO-950).

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril, pinaputukan ang biktima, at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Binubusisi ng mga pulis kung nahagip ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar, ang insidente upang matukoy ang mga suspek. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …