Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Lolo tigok sa hit & run

BINAWIAN ng buhay ang isang 79-anyos lolo, makaraan takbuhan ng sasakyan na nakasagasa sa kanya sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Delfin Acaba, dumanas nang matinding pinsala sa katawan.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek na nakasagasa sa biktima.

Ayon sa ulat ng Las Piñas City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong 5:30 pm sa Alabang-Zapote Road, Brgy. Almanza Uno ng naturang siyudad.

Ayon sa testigong si Danilo Barcala, tumawid ang biktima sa naturang lugar ngunit hindi namalayan ang isang humaharurot na Sedan, na hindi naplakahan. Nasalpok ang biktima ng nasabing sasakyan ngunit pagkaraan ay mabilis na tumakas. Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …