Monday , December 23 2024
dead prison

Plunder, rape at illegal mining para sa bitay OK kay Digong

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa mga karumal-dumal na krimen na papatawan ng parusang kamatayan ang illegal mining, plunder at rape.

Ayon kay Pangulong Duterte, sang-ayon siyang parusahan  ng bitay ang mga krimen na nagreresulta sa kamatayan ng nilalang at kalikasan bilang retiribusyon.

Ipinakita ng Pangulo sa media ang mga larawan ng mga grabeng prehuwisyo ng mining firms sa iba’t ibang lugar sa bansa na isinumite sa kanya ni Environment Secretary Gina Lopez.

“I’m in favor of anything that produces death, robbery after you rob, you rape then you steal, robbery with rape or robbery with homicide, robbery, rape with homicide,” sabi ng Pangulo sa press conference kahapon.

“Retribution talaga, nasira ito life, life, life,” anang Pangulo habang itinuturo ang mga retrato.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na uubra talagang maisama sa paparusahan ng death penalty ang mga guilty sa kasong illegal mining basta tutulong ang media sa pagkombinsi sa mga mambabatas na  ‘protektor’ nito na ipasa ang nasabing batas.

“Puwede po ‘yan, basta tulungan ninyo kami sa pag- convince sa protectors ng evil, mga angels of satan na gusto protektahan, posible po ‘yan,” ani Alvarez.

Para naman kay Senate President Koko Pimentel, ang estratehiya sa Senado ay limitahan ang bilang ng heinous crimes na papatawan ng death penalty upang magkaroon ng mas magandang tsansa na pumasa ang batas.

“The strategy in the senate is limit the number of heinous crimes subject to death penalty if I pursue such strategy I’d have better chance of having death penalty,” ani Pimentel.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *