Monday , December 23 2024

American no. 1 critic ni Duterte pro-abortion (HRW financier)

031317_FRONT
BISTADO ni Pangulong Ropdrigo Duterte na si American billionaire at Hillary Clinton supporter George Soros ang nagpopondo ng New York-based Human Rights Watch (HRW), na nagsusulong na ibagsak ang kanyang administrasyon dahil sa umano’y talamak na extrajudicial killings bunsod ng drug war.

“Soros. Yes, we know that,” reaksiyon ni Pangulong Duterte sa ulat ng US-based non-government organization Media Research Center (MRC), na si Soros ay nagbigay ng $32,001,746 donasyon sa HRW.

Kamakailan, inihayag ng HRW, dapat panagutin sa “crimes against humanity” si Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil sa mga patayan bunga ng kanyang drug war.

Binatikos ng Pangulo sa inilalako ng HRW na guilty siya sa nagaganap na EJKs sa Filipinas, at sa katunayan ay nakahanda siya sa ano mang magiging resulta ng kanyang drug war.

Payo ni Duterte sa HRW, dapat maging mas maingat sa pagpapakawala ng mga pahayag at linisin muna ang kanilang bakuran, lalo na’t ang human rights violations ay nagaganap din sa ibang parte ng bansa at ng mundo.

“There’s a lot of human rights (violations) everywhere but I could — they could be more circumspect and look at their own backyard,” anang Pangulo sa media interview makaraan ilunsad ang PTV-4 Cordillera Hub sa Baguio City, kamakalawa ng gabi.

Para sa Pangulo, ang human rights violation ay hindi lang isyu nang patayan, dapat aniyang alamin kung ang napaslang ay prehuwisyo sa lipunan at kasama sa pagsira sa bansa.

“Human rights violation is not all about killing. Kung patay lang ‘yan, leave it to the funeral authorities to do that. You have to look into the meaning of the death. So if there’s a redeeming factor sa tao, well, let it out na sayang pinatay ‘to but if you are a criminal, you do nothing tapos sirain mo. Sabi ko, you help destroy the nation. I will really kill you,” giit niya.

Bukod sa HRW, si Soros, batay sa MRC report, ay nagpopondo rin sa Planned Parenthood Group, isang pro-abortion group sa America at iba pang advocacy at left-leaning groups sa ibang bansa.

Duda si Pangulo sa estado ng katinuan ni Soros na kontra sa EJKs ngunit pabor sa abortion na maituturing na murder.

“Alam mo kasi ako, I am one of the proponents of family planning but I hate abortion. Hindi ko talaga puwede iyan. So it becomes an incongruity na patayin mo ‘yung bata sa loob to prevent pregnancy so there is no life at all. But if you kill a living thing there inside,  that’s… I agree with you with the conclusion it’s gonna be murder,” aniya nang usisain sa sabay na pagsuporta ni Soros sa HRW at Planned Parenthood.

“So I do not know the state of mind of these guys promoting abortion. And it’s not allowed under our laws and ako I do not favor it. I hate it. But family planning, yes. Prevention of pregnancy. But killing the fetus inside, mahirap iyan. Walang laban ‘yung ano,” pagbibigay-diin ng Pangulo.

Muling ikinuwento ng Pangulo na pabor siya sa pagpaplano ng pamilya kaya wasto ang pagbibigay ng condom at birth control pills sa mga mamamayan dahil ang “libido” ng isang tao ay hindi naman puwedeng mapigilan kaya dapat na lang pag-ingatan ang wala sa planong pagbubuntis.

“You know it runs counter to the grain of biology. Alam mo iyang instinct, ‘yang sex. The need. Instinct iyan hindi mo mapigilan. Kaya ‘yang sa simbahan hindi na madala iyan ng kalendaryo, kalendaryo. You cannot postpone your libido next week. Walang… Bakit mo naman ma-schedule ang libog mo? Napaka-g***. You must be stupid really. Think about it,” aniya.

“E hindi ibig sabihin, hindi puwede kasi may nag-ano pa so maghintay ka pa ng… Ano ito? Klase na may bagyo, postponement. Alam mo ang Filipino and ready iyan basta bata pa. Totoo. You are crazy scheduling the sexual instinct of a human being,” sabi ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *