KAPOS ang budget ng Komisyon sa Wikang Fi-lipino (KWF) na P47 mil-yon kada taon para paunlarin at linangin ang 133 wika sa Filipinas.
Ito ang nabatid sa inilunsad na Kapihang Wika ng KWF kamakai-lan sa Gusaling Watson, Malacañang Complex, Maynila.
Sinabi n Lourdes Zorilla-Hinampas, ang P47-milyong budget ng KWF ay nagmumula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at hindi ito sa-pat para sa iba’t ibang programa at proyekto ng komisyon kaya’t humihi-ngi sila ng tulong sa mga institusyon upang mai-sagawa ito.
Kabilang sa nakalinyang proyekto ay Bantayog-Wika (Language Monument) o ang pagla-lagay ng marker sa mga lalawigan, na ginagamit ang 133 wika at kasama si Sen. Loren Legarda, aniya sa mga nagtataguyod.
Ginagawa na rin aniya ang data base para sa 1,000 thesis mula sa mga kolehiyo, at pamantasan hinggil sa mga wika sa Filipinas.
Magbibigay rin ang KWF ng Gawad Julian Cruz Balmaceda, at National Book Awards u-pang maengganyo ang ibayong pag-aaral sa wika.
Labing-isang ahensiya ng pamahalaan ang kasali sa mga maaaring pagkalooban ng Selyo ng Kahusayan sa Wikang Filipino ng KWF, bilang pagkilala sa wastong paggamit ng wika. (ROSE NOVENARIO)