SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Irrigation Admi-nistration (NIA) admi-nistrator Peter Laviña noong nakaraang linggo .
“When I said there will be no corruption, there will be no corruption. As a matter of fact, I fired last night one taga-Davao na… for simply making a remark about — sabi ko he’s out and I told him even a whiff of corruption, ta-lagang tatanggalin kita,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng expanded Bangsamoro Transition Commission sa Davao City kamakailan.
Hindi man pina-ngalanan ng Pangulo ang sinasabi niyang sinibak na opisyal, tanging si Laviña na isang taga-Davao na appointee ng Presidente, ang naalis sa puwesto kahapon.
Sa pahayag ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco kahapon, isinumite ni Laviña ang kanyang resignation letter kasunod nang pagtatangka na sirain ang kanyang pagkatao at upang hindi makaladkad sa kahihi-yan.
“NIA admistrator Peter Laviña tendered his resignation amidst attempts to villify, discredit and malign him and to spare the President from any embarrassment due to these attempts, it is with deep regret that our office receives this news and wishes him well in his next endeavors,” ani Evasco.
Nauna rito’y napaulat na nagreklamo sa Palasyo ang isang Dr. Renato Legazpi, may-ari ng isa sa mga natalong bidder sa P6.1 bilyon na Balug-balug Dam project sa Tarlac, dahil sa sinasabing iregula-ridad sa bidding, na nanalo ang ITT construction, katuwang ang isang Chinese company na Guangxi Hydro Electric Construction.
(ROSE NOVENARIO)