Saturday , December 21 2024

8-anyos ‘pare’ ni Digong pinalaya ng ASG

030117 duterte pare asg
MASAYANG iniharap ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kasama si Peace Process Presidential Adviser Jesus Dureza ang 8-anyos na si Rexon Romoc, na halos pitong buwan binihag ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Natuwa si Pangulong Digong dahil nakalaya ang bata na hindi kailangan magbayad ng ransom. Sa huli, tinawag na “pare” ng Pangulo ang batang lalaki na sumaludo sa kanya sa Palasyo kahapon.

LIGTAS na nakabalik sa kanyang pamilya kahapon, ang 8-anyos batang lalaking binihag ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), sa nakalipas na pitong buwan.

Iniharap ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang biktimang si Rexon Romoc, at ang kanyang mga magulang na sina Nora at Elmer.

Nabatid kay Dureza, tatlong linggo ang nakalipas bago nakombinsi ang ASG, na palayain si Rexon nang walang kapalit na ransom.

Si Rexon at kanyang mga magulang ay kinidnap ng ASG noong 5 Agosto 2016 sa Payao, Zamboanga Sibugay, at dinala sa Sulu.

Makaraan ang mahigit dalawang linggo, pinakawalan ng ASG si Nora nang magbayad ng maliit na halaga, habang ang kanyang mister ay pinalaya noong 13 Nobyembre nang magbigay ng isang milyong pisong ransom.

Sa pag-aakala na ang kanyang mag-ama ang lalaya kapag nagbigay siya ng isang milyong ransom sa ASG, ibinenta niya ang kanilang maliit na sari-sari store, at nangutang sa mga kaibigan at kaanak, ngunit si Elmer lang ang pinakawalan ng mga bandido, at itinira si Rexon, ani Dureza.

Ayon kay Dureza, inatasan siya ni Pangulong Duterte na gawin ang lahat ng paraan upang mabawi si Rexon sa ASG, nang walang ibabayad ni isang kusing na ransom.

Sa press conference, masayang tinawag ni Duterte na “pare” ang pinalayang si Rexon.

Kaugnay nito, iniha-yag ni Dureza, may 27 bihag na nasa kamay pa rin ng ASG, kasama ang anim Vietnamese.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *