Friday , April 25 2025

Bloggers press corps binuo ng Palasyo

022317_FRONT
MAKARAAN ‘makipagsalpokan’ sa mga reporter sa Palasyo at Senado, plano ni Communications Secretary Martin Andanar na magtayo ng isang organisasyon na gaya ng isang press corps para sa pro-administration bloggers.

Sa isang draft memorandum kahapon, na ipinamahagi sa Malacañang Press Corps (MPC), ipinanukala ni Andanar na magkaroon ng “social media press corps” na bubuuin ng online propagandists na nangampanya para kay Pangulong Rodrgio Duterte na kokontrolin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

“Given the exponential growth of social media and the significant increase in use of social media tools, it is imperative for government to recognize and consider social media, alongside traditional media channels, in developing its communications strategy,”  ani Andanar.

Ang mainstream media na karaniwa’y binubuo ng TV, radio, print at online news website ang tradisyonal na ikinokonsidera bilang fourth estate, para kay Andanar, ang social media bloggers ang “collective voice of the citizenry.”

Kapuna-puna ang mga blogger na nagha-hangad na magkaroon ng social media press corps ang actual bloggers na madalas manira sa mainstream media, karaniwan sa kanila ang murahin at alipustahin ang mga mamamahayag dahil sa mga kritikal na pag-uulat tungkol kina Pangulong Duterte at Andanar.

Bago manumpa si Pangulong Duterte noong 30 Hunyo  2016, tinangka ni Andanar na kombinsihin ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC)  na gawin miyembro ang bloggers.

Sa memorandum, nagtakda ng mga espesipikong patakaran si Andanar na ang mga miyembro ng bagong press corps ay dapat ibahagi ang mga pahayag ng gobyerno at iwasan ang pagbatikos sa pamahalaan.

“(Among their responsibilities is to) post, share and disseminate on his/her or their social media page, blog or website, the press releases and other news information issued by the PCOO,” anang memo.

“Applicant [sic] must not be involves in prosecuting any claim against the government,” atas sa memo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *