Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Republican presidential candidate Donald Trump speaks to supporters as he takes the stage for a campaign event in Dallas, Monday, Sept. 14, 2015. (AP Photo/LM Otero)

Immigration ban ni Trump inirerespeto ng Palasyo

INIHAYAG ng  Malacañang, inirerespeto nila ang immigration policies ni US President Donald Trump makaraan pansamantalang suspendehin ng American leader ang pagpasok sa Amerika ng mga refugee at mga bisita mula sa pitong Muslim-majority countries.

“We respect the policy of the United States of America if they have prohibitions or they would be banning people from entering their country because that is their right,” pahayag ni Communications Assistant Secretary Ana Maria Banaag kahapon.

Nitong Biyernes, nagpatupad si Trump ng “four-month hold” sa pagpapahintulot sa pagpasok sa Amerika ng mga refugee, at pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga biyahero mula Syria, Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria at Yemen, gayondin ang green card holders na legal permanent residents ng Estados Unidos.

Sinabi ni Banaag, masyado pang maaga para magkomento ang Palasyo kaugnay sa immigration policies ni Trump, dahil hindi pa nakararating sa Philippine embassy.

Nang itanong kung ano ang plano ng gobyerno ng Filipinas para ma-assist ang local travelers na maaaring hindi papasukin sa US, sinabi ni Banaag, “What we can do perhaps would be to let the DFA negotiate on that matter. However, we would respect kung ano man ang regulasyon ng embahada o ng US on that matter.”

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …