Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, pinagselosan ni Willie

MINSAN isang hindi mapaniwalaang bagay ang napansin namin sa studio ng Wowowin. Walang babaeng gumagapang sa sahig ng studio. Walang nagloloka-lokahang sinasabunutan ang sarili at pakiwal-kiwal na sumasayaw pagdating ni Willie Revillame.

Nanibago kami sa situation na nalaman naming may nakaalam palang darating si Gabby Concepcion. Ayaw nilang magkalaswaan sa pagsalubong sa iniidolong actor.

Masaya si Gabby dahil maganda ang show ni Willie bukod pa sa magaganda ang mga dancer.

Sabi ni Willie, mahirap daw ang ginagawang pagsasayaw ng mga babae sa studio na pagkatapos ay iaabot lang sa kanya ang gagamiting microphone.

Mayroong nag-split habang sumasayaw at kumakanta si Gabby bilang pagbibigay-kilig sa mga nasa studio.

Tipong malapit nga ang mga chick kay Gabby, bagay na tipong nagseselos pa si Willie.

Masaya si Gabby na nanalo pa siyang Best Supporting Actor sa FAMAS. Hindi nga lang daw nakarating ang actor dahil nasa Tacloban siya.

Ani Gabby, masaya siya dahil nagre-rate ang kanilang teleserye na kasama sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …