Wednesday , August 13 2025

17-anyos dalagita natagpuang patay sa Cavite river (Narahuyong maging modelo)

121216_front

NATAGPUANG walang buhay nitong Sabado ng umaga sa isang ilog sa Indang, Cavite ang isang 17-anyos dalagitang apat araw nang nawawala.

Ang bangkay ni Melissa Magracia, ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Brgy. Guyam Malako pasado 9:00 am malapit sa isang subdibisyon na kanyang tinitirahan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Magracia, estudyante ng AMA College sa Dasmariñas City, Cavite, residente sa Belvedere Subdivision sa Tanza, ay nawala noong 6 Disyembre.

Bago ang kanyang pagkawala, nagpaalam ang biktima sa mga magulang na makikipagkita siya sa isang Elric Vidallo na nag-alok sa kanya na maging modelo. Ito ang huling pagkakataon na nakita nila ang biktima.

Ayon sa mga magulang ng biktima, nakilala ng kanilang anak si Elric sa pamamagitan ng social networking sites. Ngunit deactivated na ang social media account ng suspek makaraan mawala si Meli-ssa.

Naaresto ng mga awtoridad si Elric, 31, sa kanyang bahay sa Brgy. Harasan nitong Sabado ng hapon.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Bauertek Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival

“Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival”

 Filipino Inventors shine bright in the recently concluded 4th Silicon Valley International Inventions Festival, held …

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

Baguio City – The Department of Science and Technology – Cordillera Administrative Region (DOST-CAR) have …

Philippine Sports Commission PSC

PSC: Mga Rehiyonal na Sentro ng Pagsasanay, Susi sa Patuloy na Tagumpay                                                                                                                                                              

CHENGDU, China — Nais ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Patrick Gregorio na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *