Samantala, tinanong namin ang kaibigan niyang si Kris Aquino kung saang network siya mapapanood.
“Wala pa, the closest that I would guess is siyempre Channel 7, ito usapang klaro kasi si Tony Tuviera supplies talents but Tony is not exclusive to Channel 7, so hindi ko alam,” sabi ni kuya Boy.
Marahil ay naramdam na ng TV host ang susunod naming tanong na hindi ba nakaaapekto ang matagal na pagkawala ni Kris sa telebisyon.
“Naniniwala ako na hindi lulubog ‘yang babaeng ‘yan. Don’t worry about her, let’s worry about ourselves, ha, ha, ha,” tumatawang sabi ni kuya Boy. “Magandang quote ‘yan. (Seriously), she’ll be okay.”
Tungkol naman sa Instagram post ni Kris na, ‘ABS-CBN no longer wants me.’
Positibo raw kay Kuya Boy ang post, “ang pinanggagalingan na ngayon ng reaksiyon dapat sa puso, that’s why the word of the year ng Oxford (dictionaries) ay ‘post truth.’ (Kaso) hindi nga, eh, dapat sa ating mga nakatatanda, ang basehan ng mga reaksiyon ay hindi likes, hindi bashers.
“”Yung sinabi ni Kris (ABS-CBN no longer wants me), hindi ko alam kung makabubuti sa kanya o hindi. Rati sinasabi nila, bawal magmura ‘pag eleksiyon, pero ngayon ito ang gusto ng tao. So it’s time for examination, malay mo tayo ang nagpapaka-pormal, baka naman gusto nakaupo lang tayo, pormal, eh, wala tayong nahihita. Baka naman si Kris is experimenting hindi ko alam.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan