NOON pa man ay nakitaan na si Sandara Park na magaling mag-isip pagdating sa kanyang showbiz career.
Nang maramdaman niya noon na unti-unti nang bumabagsak ang popularity sa ABS-CBN ay nag-decide si Sandara na magpunta ng Korea at doon niya ipagpatuloy ang acting and singing career pero mas nagtagumpay siyang singer kaysa pagiging actress sa naturang bansa.
At kasabay ng pag-reinvent ng kaniyang craft ay ang pagsikat ng grupo ng Pinay-Korean na 2NE1 at dalawa sa kanta nilang sumikat sa buong mundo na kina-inlaban dito sa bansa ang “Fire” at “I Don’t Care.” Naging tanyag talaga ang grupo at sumikat si Sandara sa pangalang Dara pero ang malungkot na balita ay disbanded na ng YG Entertainment ang 2NE1.
Tumagal ng seven (7) years at naging mabilis si Sandara na agad tinanggap ang offer ng ABS-CBN para maging isa sa judges ng Pinoy Boyband Superstar. May balita na gagawa rin ang K Pop singer ng movie sa Star Cinema.
Hawak pa rin si Sandara ng YG Entertainment dahil nag-renew siya ng kanyang kontrata sa naturang talent agency. Kasi ang gusto raw ng YG ay mag-focus sa solo career ang mga member na contract artists nila.
Ikaw na Dara gyud!
***
Bawat makausap ni Coco Martin ay nagagandahan at naaaliw sa latest movie nila ni Vice Ganda na “The Super Parental Guardians,” na showing na today sa cinemas nationwide.
Kaya mas umaasa si Coco na mas malaki ang kikitain nito sa nauna nilang movie ni Vice na “Beauty and the Bestie” na naging kalahok sa Metro Manila Film Festival 2015 at kumita nang mahigit P500 milyon. Kasi maging siya (Coco) raw ay natatawa talaga sa mga eksena nila ni Vice, Onyok at Awra sa movie.
“Honestly, mas mataas ang expectation ko rito in terms of box office. Kasi unang-una, may na-prove na kami ni Vice before. Noong ginagawa namin ito, definitely (gusto namin) na sana mahigitan pa ‘yung nagawa namin last year,” wish ni Coco na kung hindi naman daw mangyayari ay magiging masaya na silang lahat kahit pumantay lang sila sa kinita ng Beauty and the Bestie.
Pinasasalamatan pala ni Coco ang Star Cinema sa all-out support ng movie outfit dito sa latest project nila ni Vice na talagang ginastusan raw ang kaniyang mga action scene na para sa kaniya ay puwede nang isa pero ginawa raw tatlo ng Star Cinema ang mga eksena niyang action rito.
‘Yan naman daw kasi ang forte niya, ang action at si Vice sa comedy.
Pagdating naman sa dalawang batang kasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na sina Onyok at Awra nakikita raw niya na ang pagiging aktor ni Onyok at si Awra ay bagay naman daw magpatawa.
At hindi man daw napasama ang The Super Parental Guardians sa mga napili sa Magic 8 ng MMFF 2016 ay happy na rin silang lahat sa kanilang mas pinaagang playdate na November 30. Bukod sa suweldo at bigayan na ng bonus ay holiday pa sa araw na ito dahil ipinagdiriwang natin ang Bonifacio Day.
At hindi rin daw iisnabin ni Coco ang festival dahil may mga pelikula siyang papanoorin, isa na rito ang “Kabisera” ni Nora Aunor na part ng cast ang kaniyang kapatid na si Ronwaldo Martin.
Good news sa moviegoers para ma-accomodate lahat sa unang araw ng pagpapalabas ng The Super Parental Guardians, alas-otso pa lang ng umaga ay magbubukas na ang lahat ng mga sinehan ng SM Malls.
Ipalalabas rin sa ganitong oras ang “Enteng Kabisote The Abangers,” ni Bossing Vic Sotto na gustong panoorin rin ng mga bata.
Haligi ng industiya, iconic drama actress
LOLITA RODRIGUEZ NAMAALAM
NA SA EDAD 81-ANYOS
Base sa post ng isang Eduardo Perez Blanco, namaalam na noong Lunes ng gabi sa San Francisco California USA ang kaniyang grand auntie na si Lolita Rodriguez na sumikat noong dekada 70.
Hindi nagbigay ng detalye si Eduardo kung ano ang naging cause ng kamatayan ni Ms. Rodriguez at heto ang kabuuan ng kanyang posted notes…
“Sad day my Grand Aunt Iconic Actress Ms. Lolita Rodriguez one of the greatest Philippine Movie Artist of all time passed away last night (Nov. 28), let us pray for her, Descanze en paz (rest in peace) Tita Lot.”
Mula rito sa Hataw, ang aming taos pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya at kaanak ng beteranang aktres.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma