Saturday , November 16 2024

Jet lag sinisi ni Duterte sa pagliban sa gala dinner

LIMA,Peru – PINUYAT ng jet lag si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa gala dinner ng APEC leaders kamakalawa ng gabi, at sa retreat at ‘family photo’ nila sa pagtatapos ng summit kahapon.

Sa press conference sa Melia Hotel kagabi bago bumalik sa bansa, sinabi ng Pangulo, inatasan niya si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na maging kinatawan niya sa mga naturang pagtitipon para siya ay makapagpahinga.

“Jet lag. Talagang hindi naman ano but lightheaded because exactly at that time that’s my sleeping time back home in the Philippines,” aniya.

Hindi aniya maganda na makita siyang napapapikit sa antok habang dumadalo sa pagtitipon sa APEC kaharap ang ibang kapwa niya leader.

“Sabi ko it’s not good to be somebody ‘yung mga greats ng convention tapos ako nakapikit ang mata. Sabi ko mag-uwi na lang muna ako. Hindi rin ako nakatulog. Pero talagang inantok ako jet lag, simply,” dagdag niya.

Ngunit “productive and informative” aniya ang karanasan niya sa unang pagdalo sa APEC at inaasahan niyang makatutulong ito sa kanyang administrasyon.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *