NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga scalawag ng National Bureau of Investigation (NBI) na huwag sumawsaw sa illegal activities kung gusto pang magtagal sa mundo.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-80 anibersaryo ng NBI kahapon, ibibigay niya ang lahat ng suporta sa mga ahente at opisyal ng kawanihan sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Ngunit kapag sumali sila sa paggawa ng krimen sa panahon ng kanyang administrasyon ay hindi siya mangingiming paslangin sila.
“But, if you are accused of extortion, kidnapping, some of you who are involve there. Do not do it in my time. You do it, patayin kita. Anong gusto mo? Barrett na sniper? O ambush? O, mamili ka, mamili ka,” anang Pangulo.
Ipinaalala ng Pangulo na binigyan-daan ni Sen. Leila de Lima ang impluwensiya ng illegal drugs sa pambansang pamahalaan nang payagan ang illegal drugs trade sa New Bilibid Prisons (NBP) noong justice secretary pa ang senadora para makapangalap ng campaign funds.
“Now the portals of the national government has been opened to the creeping influence of drug. You must remember that Leila, si Lilia or whatever the name is, was the Secretary of Justice herself and she allowed the drug industry to take place,” aniya.
Mismong mga ahente at opisyal pa aniya ng NBI ang tumestigo laban kay De Lima na may mga kredibilidad at hindi niya kilala kaya walang saysay na pagbintangan siyang may kinalaman sa mga isinampang kaso laban sa senadora.
“You, yourselves, you are the agents, some of these agents of this bureau testified against her. Most of them were credible and I don’t know them actually. So there’s no sense in saying that I have a part of it. You know that. But the only time when I visited NBI when I’m guest speaker,” ayon sa Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )