Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sancho delas Alas, proud sa inang si Ai Ai delas Alas!

PINANGUNAHAN ni Sancho delas Alas ang pamamahagi ng early Christmas gifts ng kanyang inang si Ai Ai delas Alas sa screening ng pelikula nilang Area sa Robinson’s Balibago, Angeles City last Wednesday. Limang push carts na puno ng loot bags na may lamang grocery items ang pinamahagi nila sa naturang event.

“Maagang Pamasko po ito ni Mama sa Area, ito po ay bilang pasasalamat ni Mama sa mga taga-Pampanga, lalo na sa mga taga-Area na roon kami mismo nag-shooting. Sayang nga at di siya nakapunta dahil kadarating lang niya from the US at may jetlag pa.

“Sobrang tuwa ko at nagpapasalamat ako sa mga tumatangkilik ng aming pelikulang Area,” masayang pahayag ni Sancho.

Masasabi mo ba na best birthday gift itong pelikulang Area para sa mother mo dahil dream niya talaga ang magkaroon ng ganitong pelikula at dahil sa Papa Award na makukuha niya sa kanyang mismong kaarawan?

“Isa itong the best na birthday gift kay Mama, ang magkaroon ng ganitong klaseng pelikula tulad ng Area at ang pagkakaloob sa kanya ng Papal award na eksaktong ipagkakalob sa kanya sa birthday niya (Nov. 11).

“Back to back blessings po ito talaga, kaya sobrang happy kami. Sobra-sobra pong blessings ito kay Mama, kasi hindi namin ine-expect itong Papal Award at the same time, maganda ang feedback sa movie na Area, kaya sobrang blessings ito at sobrang saya namin ngayon.”

Ipinahayag pa ni Sancho na proud siya kay Ms. Ai Ai sa pelikulang ito dahil sa magaling na pagganap ng komedyana sa role na isang laos na prostitute sa sikat na red light district sa Angeles City, Pampanga.

“Siyempre po, proud ako kay Mama sa ginawa niya rito sa Area. At saka ako ang number-one fan ni Mama e, kumbaga, idol na idol ko si Mama sa lahat ng adhikain niya. Kaya proud talaga ako sa ipinakita niyang performance rito sa movie namin,” nakangiting saad pa ni Sancho.

Bukod kina Ai Ai at Sancho, tampok din sa Area sina Allen Dizon Sue Prado, Ireen Cervantes, Eufrocina Peña, Tabs Sumulong, at iba pa. Ang Area ay binigyan ng Grade-A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at nakakuha sa MTRCB ng rating na R-18, approved without cuts.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …