Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, puwede nang magtaas ng TF

BIDANG-BIDA ang aktor na si Paolo Ballesteros dahil siya ang nagwaging Best Actor sa katatapos na Tokyo International Film Festival via the movie, Die Beautiful na idinirehe ni Jun Lana.

Mula sa red carpet hanggang sa awards night, palaging nakasuot at hitsurang babae si Paolo.

Noong lumakad siya sa red carpet ay nag-ala Angelina Jolie siya at sa mismong awards night, nag-ala Julia Roberts naman siya.

Nagpasalamat si Paolo sa TIFF for embracing their film.

Kuwento ng isang transwoman ang Die Beautiful na ang huling hiling, kapag namatay siya ay bihisan ng mala-Lady Gaga.

Nakaka-proud ang panalong ito ni Paolo.

Eh, alam n’yo naman ang mga Hapon, masyadong metikuloso ‘yan sa lahat ng bagay at hindi mo basta-basta mapapabilib. Kaya, natitiyak kong well-deserved ang panalong ito ni Paolo.

At sa totoo lang, puwede na siyang magtaas ng TF sa Eat Bulaga dahil isa na siyang international award-winning actor.

Congratulations, Paolo!

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …