NAPANOOD namin last Sunday sa Sundays Best ng ABS-CBN ang jampacked na anniversary concert ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na ginanap sa Araneta Coliseum.
Sobrang naaliw kami sa mga production number ng buong cast kasama ng kanilang mga guest lalo na sa Totoy Bibo number nila Coco Martin at Vhong Navarro kasama sina Onyok at Aura.
Para sa amin ay pinakamaganda at kinatuwaan ng lahat si Aura kaya kahit sobrang antok na ang inyong columnist ay tinapos ang palabas na inabot nang mahigit tatlong oras sa ere.
Palalampasin ba naman ang first time na paggiling-giling ni Coco na lalong nagiging guwapo habang sumasayaw at kumakanta.
Samantala itinanggi ng mga tao sa likod ng Ang Probinsyano at Dreamscape Entertainment na papalitan na ng Batang Quiapo, isa sa blockbuster movie noon ni late Fernando Poe Jr., isang action-drama series na pagbibidahan pa rin ni Coco.
Sa taas ng rating nito na consistent number one sa ABS-CBN Primetime Bida ay malabo ngang mawala sa ere.
Katunayan, pinag-uusapan na ang next series ni Coco. Makakatambal umano ni Coco ang rumored girlfriend na si Julia Montes. At isa pang magiging leading lady ng Idol ng Masa (Coco) ay si Liza Soberano.
Napaka-interesting nito gyud!
***
(TROPS ng BAES buong linggo nang inilalampaso sa ratings sina Erich at Daniel)
Kompirmadong titigbakin na ng Dos ang “Be My Lady” nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga at sabi ay ilang weeks na lang ang itatagal nito sa ere.
E bakit biglang nagdesisyon ang management na tigukin na ang nasabing morning teleserye?
Sabi mataas ang ratings nito sa Kantar Media. Well noon ‘yan pero ngayon ay may tumalo na sa love team ng mag-sweetheart na Erich at Daniel (na gurang (matanda) na ang dating).
Ang tumalo sa kanila, ang mga miyembro ng EB BAES na fresh and young looking guys tapos sinamahan pa ng diyosa ng kagandahan na si Taki.
Ano pa ba ang ilalaban ng Be My Lady, sa kanila? Sa latest metro rating ng AGB Nielsen mula noong October 24 hanggang October 28, buong linggong inilampaso ng TROPS sa rating ang soap ng ABS-CBN.
Narito ang resulta ng survey: October 27-TROPS 16.7% vs Be My Lady 10.6% at noong October 28 ay humamig ng 15.7 ang TROPS at 10.9 lang ang Be
My Lady at maging sa Kantar Media ay tinalo rin sila sa isang episode ng BAES sa rating na 14.6 samantala sila ay 13.8%.
Sina Baes Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ang may pinakamaraming supporters sa show.
Well pana-panahon lang gyud!
BROADWAY BOYS NA KINABIBILANGAN NG MGA PAMBATO
NG LOLA’S PLAYLIST KINAAALIWAN NINA TITO, VIC & JOEY
Kapag nagpe-perform tuwing Sabado ang “Broadway Boys” na kinabibilangan ng mga pambato at grand winner ng Lola’s Playlist na sina Francis Aglabtin (Grand Winner) kasama sina Joshua Lumbao, Benedict Aboyme at Joshua Torino, sobrang aliw na aliw sa panonood sa kanila sina Bossing Vic Sotto, Tito Sen at Joey de Leon.
Paano, sobrang huhusay ng apat sa pagkanta ng old hits ng legend singers sa Hollywood tulad nina Frank Sinatra, Matt Monro, Johnny Matis atbp. Pare-parehong malalamig at matataas ang boses na kapag pinakinggan ay parang hinaharana nila sa kanilang mga awitin ang studio audience, mga lolo, lola, nanay, ta-tay at ang lahat ng homeviewers.
Tuloy pa rin ang Lola’s Playlist: Beat The Champion na ang weekly finalists ay nakikipag-showdown kay Lola’s Playlist champion Francis na hanggang ngayon ay nananatiling hawak ang napanalunang titulo.
Nitong Sabado sa episode ng EB, ipinagdiwang ng Dabarkads host ang National Joke Day na kinanta naman ng Broadway Boys ang isa sa classic song ng BEE GEES na “I Started A Joke” at nangibabaw ang boses nila sa ere.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma