Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rep. Pichay panagutin sa illegal mining — NDF

DAPAT managot ang sagadsaring corrupt na o-pisyal ng pamahalaan gaya ni Surigao del Sur First District Rep. Prospero “Butch” Pichay sa paglapastangan sa kalikasan sa rehiyon ng CARAGA at talamak na paglabag sa batas.

Sa kalatas ng National Democratic Front- North Eastern Mindanao Region (NDF-NEMR), si-nabi ng tagapagsalitang si Maria Malaya, patuloy ang operasyon ng Claver Mining and Development Corporation (CMDC) sa kabila ng suspension order ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez noong 12 Agosto.

“Utterly corrupt officials like Butch Pichay should be taken to task! The NDFP-NEMR, will continue to expose the shameless corruption of Butch Pichay. It will heed the clamor of the people of Caraga of ending the destructive mining operation of CMDC!” ayon sa NDFP-NEMR.

Ani Malaya, sa kabila na nasabat ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilegal na pagkarga ng nickel ore ng CMDC sa barko noong Setyembre 29 ay hindi ito nahinto, bagkus ay naging regular na aktibidad pa ito.

“CMDC operations including the loading and selling of nickel ore, were suspended by now DENR Secretary Gina Lopez in August 12 this year. Still, Pichay, ever defiant, continue to load nickel ore. In September 29, 2016, the illegal loading of nickel ore for shipment was halted by operatives from the NBI. But it seems that corrupt officials have strong networks with fellow corrupt officials as the loading of nickel ore continue, day and night, in plain sight of everyone travelling by the area,” anang NDF-NEMR.

Giit ni Malaya, pondo mula sa korupsiyon ang muling nagluklok kay Pichay sa Kongreso at sa pagtiyak ng mga tiwaling opisyal sa administras-yong Duterte ay ginagamit ni Pichay ang kanyang posisyon upang gahasain ang likas na yaman ng Caraga at tahasang binabalewala ang mga reaksyonaryong batas ng bansa.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …