KAPWA nasa limelight ngayon ang biological daughters ni Gabby Concepcion. Bukod sa rebelasyon ng pambato ng Sweden sa Miss Earth 2016 na si Cloie Syquia Skarne, sa one-on -one interview ni Kuya Boy sa “Tonight With Boy Abunda,” ay marami nang aware sa pagiging magdyowa nina KC Concepcion at Ally Boromeo na isa sa player ng Azkals Team.
Pero hanggang girlfriend, boyfriend pa lang daw ang relasyon nina KC at Aly at mali ‘yung expose sa isang website na nabasa namin na live-in na ang dalawa sa unit na pag-aari ni KC sa isang kilalang hotel sa Makati.
Although wala namang masama kung magsama sila dahil pareho naman silang malaya. Pero may takot at respeto si KC sa kanyang Mommy Sharon at foster Dad na si Sen. Kiko Pangilinan kaya hindi gagawin ng actress ang bagay na ito.
Tanda ng pagrespeto nila ni Aly sa kanyang parents ay isinasama ng dalaga sa mga family gathering ng Cuneta-Pangilinan ang nasabing nobyo na super bait at very supportive kay Cassandra.
Let’s support their relationship and happiness na lang gyud!
***
Excited na ang That’s My Bae members na kinabibilangan ng Grand winner na si Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Kim Michael Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, at Joel Palencia sa pagsisimula ng kanilang sariling teleserye na “Trops,” na magsisimula nang umere sa GMA-7 ngayong Oktubre 24 bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.
Big challenge para sa nasabing grupo na mabigyan sila ng APT Entertainment nang ganito kalaking break sa telebisyon.
Sa exclusive interview ni Nelson Canlas sa 24 Oras last October 13 ay nagpahayag si Jon, na hindi sila sanay umarte sa harap ng camera.
Aniya, “Hindi po kami sanay sa acting, so it’s different from dancing so we’re giving it our best, 100%. So sobrang excited po kaming lahat.”
Paniniguro nila, marami raw makare-relate sa istorya ng Trops, ayon kay Kim.
Sey niya, “We are all related to the scene. Lahat kami na-experience ang heartbreak, high school crush, ganito may crush ka sa crush mo, tapos hindi ka niya crush.”
Ang daughter ni Dabarkads Ruby Rodriguez na si Toni Aquino ay parte rin ng cast ng soap. Masayang kuwento ni Toni, sa panayam sa kanya ay
napaka-supportive ng kanyang mom Ruby sa kanyang bagong proyekto.
Pagbibida niya tungkol sa ina, “She’s very supportive and there’s nothing I could ask for more than any supportive mom, kasi out of everything I do, parang ipinapakita ko sa kanya na, “Ma Oh, Kaya ko ‘to.”
Kabilang rin sa Trops ang young Japanese-Pinay actress na si Taki Saito na ka-loveteam ni Kenneth sa Calle Siete at si Mike Tuviera ang director ng said youth oriented TV series.
CAREER NI MEG IMPERIAL
IBANG-IBA ANG TAKBO
SA KAPAMILYA NETWORK
Nakapagbida na sa isang teleserye, dalawang episodes ng Maalala Mo Kaya at nakagawa ng ilang movies sa Viva Films at Star Cinema ang White Castle Girl noong 2015 na si Meg Imperial.
Dahil may dunong sa pag-arte at bongga rin ang speaking lines ng actress na alaga ng amiga naming Diva na si Claire dela Fuente ay hindi siya nawawalan ng trabaho sa Kapamilya network.
Madalas siyang i-guest sa Ipaglaban Mo at nagkaroon pa ng markadong role sa No.1 action-drama series ni Coco Martin sa primetime bida na FPJ’s Ang Probinsyano.
Ngayon ay paboritong i-guest si Meg sa dalawang game show ni Luis Manzano na Family Feud at Minute To Win It. Nagwagi siya ng tumataginting na P1 million. Habang naghihintay ng ibang proyekto ay abala si Meg at ang kanyang Mommy Rose sa pagpapatakbo ng kanilang Spa and Salon business sa Legazpi City.
Samantala masaya si Claire para sa alagang si Meg, na kailanman ay hindi raw nagbigay ng sakit ng ulo sa kanya.
BANAT – Peter Ledesma