Sunday , December 22 2024
Helping Hand senior citizen
Helping Hand senior citizen

Batas kontra pang-aabuso sa senior citizens isinusulong ni Angara

GUSTO nating pasalamatan si Senator Sonny Angara sa kanyang isinusulong na batas para sa proteksiyon ng matatanda (senior citizens).

Ayon sa batang senador, “MALAKING karangalan para sa atin na arugain ang mga nakatatanda tulad ng kung paano natin aarugain ang mga bata. Sa kanilang kalakasan, sila’y namuhay nang may dignidad at kabuluhan.”

Naniniwala ang inyong lingkod diyan. Magpasalamat tayo kapag nabigyan tayo ng pagkakataon na maglingkod o mag-alaga sa ating mga magulang.

Kay naman bilang pagkilala sa karapatang pantao at sa kapakanan ng mga nakatatanda, isinusulong ngayon ng Senador ang isang panukalang batas na naglalayong pangalagaan ang ating senior citizens laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Aniya, “Kilala ang mga Filipino sa tradisyong paggalang sa matatanda, kaya’t nakalulungkot na dumarami ang mga insidente ng pang-aabuso sa kanila.”

Sa kanyang panukalang batas, ang Senate Bill 1012 o ang Anti-Senior Citizen Abuse Act of 2016, nakasaad na papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang mapapatunayang nang-aabuso sa mga nakatatanda. Kabilang sa mga uri ng abuso ang mga sumusunod:

1) Pisikal na pananakit tulad ng pananampal, panghahampas, pambubugbog, malakas na panunulak, pangangaladkad, paninipa, pangungurot, pamamaso, pagpapainom ng ‘di nararapat o nauukol na gamot, sapilitang pagpapakain, at iba pang uri ng pisikal na pagpapahirap;

2) Pang-aabusong sekswal tulad ng rape, panghihipo, sodomya (sodomy), sapilitang pagpapahubad ng kanyang mga kasuotan, pagkuha ng kanyang larawan sa malalaswang paraan at paghawak sa maseselang bahagi ng kanyang katawan;

3) Psychological abuse tulad ng pang-iinsulto sa kanyang pagkatao, panghihiya, pagmumura, pagtatawa, pangmamaliit at ang paghihiwalay sa kanya mula sa mga kasamahan;

4) Economic abuse tulad ng pagpapabaya sa kanyang mga pangangailangang pinansiyal, pagwawaldas sa kanyang sariling pera o ang pakikialam sa kanyang mga ari-arian nang walang pahintulot, pagpapapalit sa kanyang tseke nang walang awtorisasyon, pamemeke sa kanyang lagda, sapilitang pagpapapirma sa kanya ng ilang dokumento at ang maling paggamit ng conservatorship, guardianship at power of attorney;

5) Neglect tulad ng tuluyang pagpapabaya sa isang senior citizen na hindi na pinakakain, hindi na binibigyan ng kanyang mga bitamina at gamot at pagbabalewala sa kanyang kaligtasan.

Ang sinumang mapapatunayang umabuso sa isang nakatatanda sa pamamagitan ng pambubugbog at panghahalay liban sa kasong rape o panggagahasa, at psychological abuse ay may kaukulang parusa na prision mayor o pagkabilanggo nang mula anim hanggang 12 taon.

Ang mapapatunayan namang nagkasala ng Economic abuse ay may karampatang parusa na prision correccional o pagkabilanggo nang mula isa (1) hanggang anim (6) na buwan.

“Tungkulin nating pangalagaan ang sektor ng mga nakatatanda at kabilang sa mga tungkuling ito ang pagkakaloob sa kanila ng nauukol na proteksyon. Ang mga usaping may kinalaman sa mahigit anim (6) na milyon nating senior citizens ay hindi dapat ipagwalang bahala sapagkat may kinalaman ang bawat isa sa atin sa kani-kanilang situwasyon,” ani Angara na isa sa mga awtor ng Expanded Senior Citizens Act.

Base sa isang pag-aaral ng University of the Philippines lumalabas na ang mga pangunahing personalidad na nangunguna sa pagmamaltrato sa mga nakatatanda ay mismong kanilang mga anak, asawa, at mga apo.

Kadalasan, ayon sa ulat, nangyayari ang mga pang-aabuso kung ang anak o mga anak ng isang senior citizen ay lango sa ipinagbabawal na gamot.

Dahil dito, iniaatas ng panukalang batas ni Angara ang pagtatatag ng isang senior citizens help desk upang magbigay ng agarang tulong sa senior citizens na biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Nilalayon pa rin ng panukala ng senador ang pagkakaloob ng pansamantalang tirahan sa mga biktima, gayundin ang libreng counselling, psycho-social services and recovery, rehabilitation programs, at mga tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

Supotahan po natin ang panukalang batas na ito ni Senador Angara!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *