Monday , December 23 2024
dead gun police

5 patay sa sagupaan ng 2 pamilya sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Limang kalalakihan ang namatay sa enkwentro nang magkaaway na pamilya sa Sitio Langaray, Brgy. Manaul, Sumisip lalawigan ng Basilan kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng PNP, dakong 7:40 am nang magkasagupa ang magkalabang angkan ng Abdulmuin at Alih.

Dalawa sa mga namatay ay mula sa angkan ng Abdulmuin na kinilalang sina Illang Manisan at Serny Julti.

Habang tatlo sa mga namatay ay mula sa pamilya Alih na kinilalang sina Immah Abubakar, Antotong Ismael at Kasim Talhata.

Ang mga namatay ang pawang mga residente ng nasabing barangay at lahat ay “dead on the spot” dahil sa mga grabeng tama ng bala mula sa M6 armalite rifle.

Kinuha na ng kani-kanilang pamilya ang mga namatay nilang kaanak para mailibing sa tradisyon ng Islam.

Habang nakaalerto ang mga awtoridad sa lugar upang maiwasang maipit ang mga inosenteng sibilyan kung sakaling muling magkasagupa ang magkakalabang angkan.

Ang “rido” ng mga armadong pamilya ay isa sa mga sanhi ng madudugong sagupaan sa lalawigan ng Basilan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *