NAKAHUNTAHAN namin recently si Teejay Marquez at inusisa namin ang guwapitong talent ni katotong John Fontanilla sa mga magagandang nangyayari sa kanyang career ngayon. Sobrang humahataw kasi si Teejay sa Indonesia, dahil kaliwa’t kanan ang projects niya ngayo sa naturang bansa.
“Okay naman po ako, kababalik ko lang po ulit galing Indonesia kasi, tapos na po visa ko. So nag-aaply po ulit ako ng bagong visa. About my career I can describe it as still on process, I’m doing everything step by step, no rush and hopefully, it will lead to reaching my dreams,” saad ni Teejay.
Dagdag pa niya, “Now that I’m back in Manila, I’m okay with guestings and events and pictorials sa mga endorsment ko po. I’m so blessed at nagkaroon po ako ng first major movie sa indonesia titled Dubsmash, The Movie and now bago ako bumalik sa Manila, nakagawa po ako ng TV series doon titled Kisah Cinta de Sekolah.”
Paano mo na-penetrate ang Indonesian market? “Napasok po ako sa Indonesia dahil sumikat lang po ang mga dubsmash video ko po sa Indonesia. Nag-viral din po ang videos ko sa Indonesia, kaya po nila ako nakilala.”
Dubsmash King of Indonesia ang bansag sa iyo, ano reaction mo dito? Gaano ka kasaya sa career mo ngayon?
Sagot ni Teejay, “Dubsmash King? Hehehe! Nakakatuwa na binansagan nila akong Dubsmash King. Hilig ko lang din gumawa nito dahil nase-share ko sa fans ko. Tapos napansin hehe na blessed at umabot ng ibang bansa pa, pati Malaysia, Vietnam at Kazhakstan.
“Masaya po ako sa career ko, kasi hindi naman ako nagmamadali na sumikat agad agad. Pero iyong mga ganitong blessings ay minsan lang po dumating, I’m so happy and thankful dahil hindi man sa ‘Pinas, Im thankful na din na ibang klase ang pagtanggap sa akin sa Indonesia.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio