WALA man ang kalabtim na si James Reid dahil kasalukuyang nasa bakasyon sa ibang bansa, tuloy-tuloy ang taping ni Nadine Lustre at ng mga co-star para sa bagong teleserye nila ni James sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na may titulong “Till I Meet You.”
Si Direk Antoniette Jadaone pa rin ang director. Pero this week ay nakatakda na raw bumalik ng bansa si James at naka-schedule na rin mag-taping ang actor ng mga eksena nila ni Nadine na gumaganap bilang Iris na isang kolehiyala sa serye.
Wala pa kaming ideya kung magsiyota ba o mag-asawa ang dalawa sa seryeng ito, Pero sabi ay mas mature sila rito at kakabugin nila ang mga eksenang ginawa sa naunang hit teleseryeng On The Wings of Love.
Well pareho namang may karapatan sina James at Nadine na magpakita nang slight ng kanilang body kasi may katawan silang kaaya-aya.
Siguradong once na umere na ang “Till I Meet You” ng hottest loveteam ay marami na naman ang kikiligin.
Ngayon pa nga ay atat na ang fans and supporters ng JaDine na mapanood ang newest serye ng idol nilang loveteam at wish nila ay maipalabas na ngayong Agosto.
Kabilang rin sa cast ng “Till I Meet You” sina Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel Pokwang at marami pang iba.
Winner!
Young couple na dumaraan sa pagsubokRELATE NA RELATE SA “HOW TO BE YOURS” NINA BEA AT GERALD
Isang malaking factor, kung bakit blockbuster ang tambalan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa “How To Be Yours” na patuloy na pinipilahan sa sinehan kasi marami ang nakare-relate sa istorya ng pelikula tungkol sa struggling young couple na sina Anj (Alonzo) at Niño (Anderson) na sa unang pagkikita pa lang ay nagkainlaban na.
Pero tulad ng ibang couple, dumaan sa maraming pagsubok ang relasyon ng cook na si Anj at Chandelier salesman na si Niño na nung una ay smooth ang takbo ng relasyon.
Dati may time sila sa isa’t isa pero nang maging in-demand sa kanyang trabaho si babae na ang iniisip ay para sa future nila ng partner in life. Pero imbes suportahan siya ay hindi siya naintindihan.
Maayos ang script ng How To Be Yours, at very realistic ang pagkaka-direk ni Dan Villegas ng film. Muling ipinakita ni Bea ang husay sa pag-arte at ang “K” sa titulong Movie Queen of the New Generation. Ganoon rin si Gerald, na mas lalo pang nag-level up ang galing bilang drama actor.
Samantala dinudumog ang international screening nito sa iba’t ibang bansa.
EAT BULAGA HINDI KAYANG TULARAN AYON KAY DABARKADS JOEY DE LEON
Sa pagdiriwang ng kanilang 37th anniversary sa Eat Bulaga na naikot na ng longest-runnining noontime variety show ang tatlong major networks at parte ng success ang pitong pangulo ng bansa ay hindi naiwasan ni Dabarkads Joey De Leon ang ma-overwhelmed sa layo ng narating ng EB kaya’t nagbitiw ng salitang “Huwag Tularan ang Eat Bulaga, hindi ninyo kakayanin.”
Eala naman dapat ipaliwanag si Tito Joey, dahil 37 years na sila sa ere at hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sila sa AGB Nielsen Ratings at patuloy na sinusuportahan ng advertisers.
Ang Bulaga pa rin ang paboritong panoorin ng nakararami mula Batanes hanggang Jolo kaya’t sabi ni Joey kung noon, merong, “Hangga’t merong bata, may Eat Bulaga,” ngayon ay nadagdagan ito ng
“Hangga’t may Filipino at bata, merong Eat Bulaga!”
Tumbok na tumbok gyud!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma