MATAPOS dumugin last Tuesday sa SM Megamall Cinema ang premiere night ng first team-up movie ng mag-ex na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson na “How To Be Yours” na sinuportahan ni bise presidente Leni Robredo, kinabukasan, Miyerkoles ay pinilahan ang unang araw nito sa mga sinehan sa buong bansa.
Kumita ang latest movie offering ng Star Cinema ng P10 milyon. Dahil certified blockbuster ang pelikula ay muling pinatunayan ni Bea ang lakas nito sa takilya kaya may karapatan ang Kapamilya actress sa titulong “Movie Queen” na ipinagkaloob sa kanya.
Samantala pinag-uusapan at pinupuri ngayon ang very realistic na pagkaka-direk ni Direk Dan Villegas ng hugot at kilig movie at siguradong makare-relate ang lahat ng lovers rito specially sa mga career woman na hindi na alam kung alin ang pipiliin ang pag-ibig ba o career tulad ng karakter ni Bea bilang si Anj at partner nitong si Niño played by Gerald.
Dahil sa ganda ng kabuuan ng pelikula at kalidad nito ay graded B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board(CEB).
This is a must see movie gyud!
Dahil sa tagumpay ng LizQuen serye, #ChooseLove concert sa Kia Theater nakakasa na
DOLCE AMORE TULOY ANG SUNOD-SUNOD NA PASABOG TULOY DIN SA PAG-ARIBA SA RATINGS
Tuluyan na nga bang lumambot muli ang puso ni Tenten (Enrique Gil) para kay Serena (Liza Soberano)? O makikipagmatigasan pa rin sa ngalan ng paghihiganti?
Kumapit sa mas tumitinding mga tagpo sa most loved kilig-serye on primetime, ang “Dolce Amore.” Mismong pamilya na ni Tenten ang mamamagitan sa napapansin nilang hindi tamang inaasal ng kanilang anak tungo kay Serana.
Kaya naman sa set-up na gagawin nila para mag-sorry ang binata sa dalaga, mawakasan na kaya ang pagpapahirap sa kanya at muling buksan ang puso sa tunay na nararamdaman?
Habang inaayos nina Tenten at Serena ang namamagitan sa kanila, isang katotohanan naman ang bubungad kay Luciana (Cherie Gil) na babago sa takbo ng buhay nang lahat.
Ano kaya ito?
Sunod-sunod nga ang mga naging pasabog sa “Dolce Amore” mula sa pag-abandona ni Serana sa kasal nila ni Tenten, pagkamatay ni Giancarlo (Matteo Guidicelli), hanggang sa pagbabagong buhay at anyo ni Tenten dahilan para manatili itong pinakapinapanood sa timeslot sa primetime.
Bukod sa pamamayagpag kontra sa kalabang programa, patuloy din itong lumalakas nationwide.
Mula July 18 hanggang July 21 ay nagtala ang programa ng national TV ratings na 35.9% (July 18), 35.7% (July 19), 35.9% (July 20) at 36.2% (July 21) base sa datos ng Kantar Media. Trending din lagi sa social media.
Kaya naman bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng mga manonood, magaganap sa August 20 ang “#ChooseLove The Concert” sa Kia Theater para maghahandog ng isang gabing kilig at mga awiting taong bayan mismo ang pumili at ang cast ng “Dolce Amore.”
Panoorin ang number one kilig series sa bansa na “Dolce Amore” Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para naman sa updates, sundan ang @rea- lolceamore sa Twitter at Instagram.
LUCKY HAKOT TRUCK NG EAT BULAGA NAGBIBIGAY PAG-ASA SA MGA DABARKADS NA KAKAPIRANGGOT ANG KITA
Bukambibig ngayon sa iba’t ibang probinsiya ang “Lucky Hakot Truck” ng Eat Bulaga na hino-host ni Cacai Bautista at EB Dabarkads.
Malaking tulong kasi ang puwedeng mapanalunang cash, sa segment na ito lalo na sa mga Dabarkads na kakapiranggot lang ang kita ng mister o misis. At lahat ay umaasa na sana ay sa kanila kumatok ang suwerte at sila naman ang makapaglaro ng hakutan ng Lucky coins na bawat isang kilo ay may katumbas na 1 K.
Paunahan sa pagsampay ng kung ano-anong gamit o bagay at nagpapaka-creative para may chance na mapili. Kapag ginaganap sa isang lugar ang Lucky Hakot Truck Nationwide Hakutan lahat ng crowd dito ay enjoy dahil may pa-games ang Bulaga sa kanila na ang mananalo ay makapag-uuwi ng cash prize para sa kaniyang pamilya.
Sina Alicia Magsino na nagkamit ng P25,440 at Dominador Villaro na wagi ng P23,430 ang mga latest winner sa Lucky Hakot Truck.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma