Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20-anyos epileptic ginahasa ng utol at ama

NAGA CITY – Ginahasa ng kanyang ama at 14-anyos kapatid ang 20-anyos babaeng may sakit na epilepsy sa bayan ng San Pascual, Masbate.

Ayon kay Chief Insp. Edgar Butch Moraleda, hepe ng San Pascual PNP, natutulog ang biktima nang mangyari ang panggagahasa ng kanyang lasing na 42-anyos ama.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman din na ginahasa rin ang biktima ng 14-anyos binatilyo niyang kapatid.

Ayon kay Moraleda, umamin ang mag-ama na hiwalay nilang ginahasa ang biktima.

Nakompiskahan ng ilegal na droga ang ama sa isinagawang body search ng mga awtoridad.

Sinabi ni Moraleda, sasampahan nila ng kasong rape ang dalawang suspek ngunit itu-turn-over nila sa kostudiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad.

Mahaharap din ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ama ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …