Thursday , June 4 2026

78-anyos buko vendor utas sa lover ng live-in partner

VIGAN CITY – Love triangle ang tinitingnan dahilan ng pagpatay sa isang 78-anyos lolo sa Brgy. Pussuac, Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni Senior Inspector Edgardo Medrano, chief of police ng Sto. Domingo municipal police station, ang suspek na si Rodolfo Bautista alyas Rudy, residente sa Brgy. Sagsagat, San Ildefonso.

Halos mabiyak ang ulo ng biktimang si Cesar Tobias dahil sa pananaga ng suspek na si Bautista.

Ang suspek na si Rudy ay hinihinalang may relasyon sa live-in partner ng biktima na si Edith Legazpi.

Walang mga kamag-anak ang biktima sa lugar dahil nangungupahan lamang sila at tubong Allacapan,Cagayan.

Sinabi ni Medrano, sinamantala ng suspek ang malakas na buhos ng ulan para isagawa ang masamang balakin.

Bukod sa love triangle, sinasabing may kaugnayan din sa pera ang pagpaslang sa biktima.

Ang biktimang si Tobias ay isang negosyante na nagtitinda ng buko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …