Monday , December 23 2024

No media coverage tinindigan ni Duterte

DAVAO CITY – Sineryoso ni incoming President Rodrigo Duterte ang kanyang banta na siya ang magbo-boycott sa media at hindi na magpapatawag ng press conference.

Pinatunayan ng president-elect ang kanyang banta sa media na hindi pinansin at hindi pinapasok sa tinaguriang ‘Malacañang in the South’ sa Panacan depot sa lungsod ng Davao.

Hindi rin hinayaan ng alkalde na maka-cover ang media sa kanilang pagtitipon kasama si House Speaker Feliciano Belmonte, ilang cabinet members at mga kongresista.

Dahil dito, nanibago ang mga mamamahayag mula local at national sa mistulang pagbalewala ng incoming president sa kanilang presensiya.

Ayon sa ilang nag-abang, first time na nangyari ito sa kanila na hindi agad nakakuha ng impormasyon.

Sinasabing unusual ito sa ibang coverage dahil hindi sila sanay sa set-up at nabigyan man ng video ngunit huli na.

Samantala, nagpalabas ng sentimyento ang ilang lokal na mamamahayag at sinabing nasaktan daw sila sa nangyari dahil nadamay sila sa galit ng alkalde.

Ngunit sa kabila nito, naiintindihan daw nila ang incoming president at umaasa na sana magbago pa ang isip ni Duterte at payagan silang makapag-cover sa mga aktibidad ng susunod na pangulo.

Sa pagtitipon kamakalawa ng gabi, tanging government-owned na People’s Television Network (PTV-4) lamang ang hinayaang makapasok at maka-cover sa pangyayari ngunit hindi nagsagawa nang live telecast.

Ganito rin ang nangyari sa ginanap na thansgiving party nitong nakalipas na Sabado ng gabi na ang PTV-4 lamang ang hinayaang makapag-set up ng TV platform malapit sa stage.

Magugunitang umani ng batikos ang mayor sa statement niya kaugnay sa media killings.

Ang international media group na Reporters Without Borders ay nanawagan ng boycott, bagay na hindi pinatulan ng Philippine media.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *