Friday , November 15 2024

NPA Honcho may P2-M patong sa ulo arestado

BUTUAN CITY – Mahigpit ang seguridad ng pulisya sa naarestong top leader ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Claver, Surigao del Norte kamakalawa.

Naaresto mula sa kanyang inuupahang bahay si Jonathan Cadaan Peñaflor alyas Jojo Peñaflor o alyas Lurkan at Albert, sa Purok 7, Brgy. Ladgaran sa nasabing bayan dakong 2 p.m. kamakalawa.

Si Peñaflor ay may patong sa ulo na P2 milyon.

Sinasabing si Peñaflor ang commanding officer nang tinaguriang Sangay sa Partido Platoon 21C, Guerilla Front Committee 21, NEMRC ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division (RID) 13 Tracker Team at Regional Public Safety Battalion (RPSB-13) base sa arrest warrant na ipinalabas ni acting Presiding Judge Emmanuel Escatron ng Regional Trial Court Branch 30, 10th Judicial Region na nakabase sa Surigao City noong Disyembre 27, 2013 sa kasong murder.

Narekober ng arresting team sa bahay ng rebelde ang isang combat commander colt at Para-Ordnance .45 caliber pistols kasama ang bala ng mga ito.

Napag-alaman, isang taon isinailalim sa surveillance ang suspek at nito lamang nakalipas na linggo nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na siya ay nasa Claver.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *