Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 sugatan sa taxi vs kuliglig, SUV nadamay

APAT ang sugatan makaraan magbanggaan ang isang taxi at kuliglig sa Roxas Boulevard sa Maynila, nitong Martes ng madaling-araw.

Habang nadamay ang isang sports utility vehicle (SUV) na umiwas lang sa nakahambalang na mga sasakyan.

Depensa ng driver ng taxi na si Manuel Guerrero, marahan ang kanyang pagmamaneho nang magulat siya sa isang nakaparadang kuliglig.

Sinubukan ng driver na umiwas ngunit hindi na rin niya nakontrol ang sasakyan.

Nawasak ang harapan ng taxi habang nayupi ang kuliglig.

Samantala, ang SUV na kasalubong ng taxi ay napasampa sa gutter bago humampas sa isang poste.

Nasaktan sa insidente ang dalawang pasahero at driver ng taxi, gayondin ang driver ng SUV.

Depensa ng nagmamaneho ng kuliglig na si Amando Mariano, nagkaaberya ang kanyang sasakyan na dapat magde-deliver ng mga gulay.

Aminado siyang may nilabag na batas-trapiko dahil bawal ang pagdaan ng mga kuliglig sa Roxas Boulevard.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …