Friday , May 3 2024

11 drug suspects ipinarada sa Tanauan

LABING-ISANG drug suspects pa ag ipinarada sa Tanauan, Batangas.

Ang mga suspek ay may karatulang nakakabit na may nakasaad na “Ako’y Pusher ‘Wag Tularan” at may arko na may nakasulat na  “Flores De Pusher.”

Naaresto ang mga suspeks sa iba’t ibang mga drug buy-bust operation ng mga pulis at civil security unit sa Brgy. III at IV.

Kaugnay nito, bagama’t kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente, nanindigan si Tanauan Mayor Antonio Halili, ang ginagawa nilang pagparada sa nahuhuling mga suspek ay nagbabawas ng mga kriminal na gumawa pa ng krimen.

Samantala,  sinabi ng isang opisyal ng CHR, ang “walk of shame” ay uri ng mental torture.

Idinagdag niyang tatlo sa mga suspek na ipinarada ay pawang mga menor de edad.

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *