Monday , December 23 2024

Kano, 18-anyos DLSU coed, 2 pa namatay sa Close up Open Concert (Bagets Kritikal)

APAT katao na kinabibilangan ng isang American national, isang 18-anyos De La Salle student at dalawang lalaki ang natagpuang nakahandusay at hindi na humihinga sa concert ground ng mala-king mall sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

SA ulat mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, kinilala ang mga biktimang sina Bianca Fontejon, 18, De La Salle Santiago Zobel School student; Ariel Leal, 22 anyos; Lance Garcia 36, co-founder ng Partyphile app; at Amercian national na si Eric Anthony Miller, 33-anyos.

Inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital ang isa pang biktima na sinabing nasa kritikal na kalagayan na si Ken Labugin Migawa, 18-anyos, ng Antipolo Rizal.

Natagpuang nakahandusay at walang malay sa magkakahiwalay na lugar ang limang biktima sa ginaganap na “Close Up Forever Summer” concert sa Mall of Asia (MOA) open parking grounds.

Sa imbestigasyon, ang mga biktimang hindi magkakamag-anak ay nasa impluwensiya ng alkohol nang isugod sa San Juan de Dios Hospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Hindi pa mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima ngunit hinihinala na nasa impluwensiya rin ng ilegal na droga gaya ng party drug na ecstacy.

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay ang Close Up sa pamilya ng mga biktimang binawian ng buhay habang nasa konsiyerto.

“Close Up and its organizing agency, Activations Advertising, and staging agency, Eventscape, are deeply saddened by the events that transpired on the early hours of May 22, 2016.

“We regret that despite the very stringent measures and precautions we have put in place to ensure the safety and security of all attendees involved, this incident still transpired.

“As such, strict protocols were followed to immediately provide medical assistance, as well as rush all those involved to the nearest hospital where they can receive emergency care,” pahayag ng Close Up.

Sinabi ng Close Up, makikipagtulungan sila sa mga awtoridad sa imbestigasyon sa kaso.

“We extend our deepest sympathies to the families of those who’ve passed away, and commit support in their time of bereavement. Likewise, our efforts are now focused on supporting those needing medical assistance so they may fully recover. We are fully cooperating with the authorities in the ongoing police investigations,” dagdag ng Close Up.

Napag-alaman sa pulisya, habang nagaganap ang konsiyerto, hinayaan ang mga manonood na bumili at uminom ng alak mula sa iba’t ibang concessionaires sa loob ng concert ground.

Sa sketchy report ng pulisya, dakong 3 p.m. kamakalawa nagsimula ang konsiyerto sa concert grounds at sinasabing natapos dakong 3 a.m. kahapon.

Agad nagreponde ang ilang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) upang tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Investigation Detective and Management Branch (IDMB) ng Pasay PNP.

Jaja Garcia

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *