Sunday , December 22 2024

Eleksiyon, muntik mawasak ng mga hacker

INAMIN ng isang insider sa Commission on Elections (Comelec) na napasok ng virus ang kanilang programa kaya naging napakabilis ang election results (ER) transmission bandang alas singko ng hapon noong araw ng eleksiyon.

Ayon sa source na tumangging pabanggit ng pangalan, nabahala ang opisyales ng Smartmatic International nang makakuha agad ng 10 milyong boto sa quick count ng Parish Pastoral Council for Responsble Voting (PPCRV) si PDP-Laban presidential bet Rodrigo “Digong” Duterte dakong 5:00 p.m. kaya ipina-check nila sa kanilang IT experts kung may gumalaw sa kanilang programa.

“Kung hindi naagapan ng mga IT expert, baka dakong alas-10 ng gabi ay abutin ng 50 milyon ang boto ni Duterte sa transparency server kaya hindi magiging kapani-paniwala ito sa sambayanang Filipino,” ayon sa source.

Nabatid na maraming hackers ang nagtangkang pumasok sa programa ng Comelec dahil sa pagyayabang ng Smartmatic na hindi maha-hack ang kanilang sistema sa loob ng 20 taon.

Nabatid na may mga hacker din na nagdagdag ng boto kay Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo kaya sa isang iglap lang ay nalamangan niya si Sen. Bongbong Marcos.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *