Friday , December 27 2024

40 bahay natupok sa Makati City, 2 residente sugatan

HALOS 80 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang 40 bahay at dalawang residente ang nasugatan sa sunog sa isang residential area sa Makati City nitong Martes ng hapon.

Dalawang residente na hindi nabanggit ang pangalan ang dumanas ng 1st degree burns sa katawan na agad nilapatan ng lunas at dinala sa malapit na pagamutan.

Base sa inisyal na ulat ng Makati Fire Department, pasado 4 p.m. nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Brgy. Pitogo dahil sa hinihinalang napabayaang nakasinding kandila o kalan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay at umabot sa Task Force Delta ang alarma ng sunog.

Nagtulung-tulong ang 30 fire trucks na nagresponde sa lugar at naapula ang sunog bandang 6:28 p.m.

Patuloy na iniimbestigahan ng arson investigators ang sanhi ng sunog sa lugar at kung magkano ang kabuuang halaga nang  natupok na mga ari-arian.

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *