Friday , June 26 2026
Vilma Santos

Ate Vi ‘di kataka-takang tanghaling best actress, poot damang-dama 

I-FLEX
ni Jun Nardo

SECOND movie na aming napanood sa 10 entries sa 50th Metro Manila Film Festival ang Uninvited ng Mentorque Productions na pinagbibidahan nina Vilma Santos-Recto, Nadine Lustre  at Aga Muhlach.

Mula sa simpleng simula, tumataas nang tumaas ang excitement sa movie at damang-dama na ang poot ni Ate Vi sa mga taong kumidnap, humalay at pumatay sa anak niya pati na ang boyfriend nito.

Nailarawan nang husto ni Ate Vi ang sari-saring emosyon sa buong pelikula lalo na noong ending na ng movie at harap-harap sila nina Aga at Nadine.

Lahat magagaling pati na supporting characters gaya nina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, RJ Bagatsing, Ketchup Eusebio at marami pang iba.

Hindi kami magtataka kung si Ate Vi ang tanghaling best actress muli ngayong MMFF after ng romcom niya movie last year na When I Met You In Tokyo.

Congratulations sa Team Uninvited pati na kay direk Dan Villegas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …