Friday , June 26 2026
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Sylvia nadesmaya sa bilang ng sinehan ng Topakk

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Wednesday, araw ng Pasko ay first day ng pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood. 

Nasa Gateway kami kahapon para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde at Julia Montes. In fairness, puno at sold out na rin ang mga sinehan na ipinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na-interview namin siya at ibinahagi  ang pagkadesmaya noong una dahil 36 lamang na sinehan ang naibigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila  umasa pa na makakalaban sa topgrosser.  

Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa?

Pero imbes na mag-dwell raw sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula. 

Narinig naman daw niya sa interview kay MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paliwanag na hindi nila kontrolado ang mga sinehan sa mga probinsiya. Ang sa Metro Manila lamang ang nako-control nila ang hatian ng mga sinehan.

Naiintindihan naman ito ni Sylvia na business is business pero sana naman, ito man lang filmfest maging pantay-pantay sa isang taon lang. Pero hindi pala ganoon ang sistema. Ngayon lamang nakita ito ng  actress/producer. 

Pero pag-uulit niya, umaasa na lamang sila na dahil  maganda naman ang kanilang pelikula ay madagragan pa ang kanilang sinehan.

Bagay na atin  namang sinasang-ayunan dahil napanood na rin natin ang pelikulang ito ay masasabing dekalidad at papasa sa mga mahihilig sa action film at talaga namang mahuhusay ang mga artistang gumanap lalo na ang mga bidang sina Arjo at Julia. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …