I-FLEX
ni Jun Nardo
UMINGAY ang pangalan ni Lance Carr nang mag-viral ang pagkanta ng awiting Harana sa mga candidate ng isang pageant sa San Fernando, Pampanga nitong nakaraang lingo.
May linya sa kanta na salitang gago eh nang bigkasin niya ‘yon, nagkataong isang kandidata ang nakuha niya.
“Hindi naman po intentional ‘yun. Nagkataon lang at humingi ako ng sorry sa kandidata,“ rason ni Lamce sa mediacon ng movie nila ng ka-loveteam na si Aubrey Caraan na Rosario.
Ayon naman kay Aubrey, natawa naman siya nang mapanood ang video. At least daw, naging viral ang video ni Lance na milyon ang nakapanood.
Anyway tungkol sa pamahiin sa mga patay ang movie lalo na ang paglalagay ng rosary sa kamay ng namatay at pagputol nito bago ilibing upang hindi magsunod-sunod ang mamatay sa pamilya o makaranas ng kapahamakan.
Sa April 22 ang showing ng pelikula na idinirehe ni Roni S. Benaid mula sa Viva Films.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com