I-FLEX
ni Jun Nardo
AMINADO si Kiray Celis na mas malaki ang kinikita niya sa live selling kaya naman nililimitahan niya na rin ang pagtanggap ng trabaho sa showbiz.
“Eh plano na rin naming magkaroon ng pamilya kaya nagpaalam na rin ako sa manager ko sa Sparkle,” pahayag ni Kiray sa launching ng bago niyang produktomg Barley’s.
Sinubukan muna niya ang produkto at maayos ang resulta sa kanya. Puwede rin ito sa may PCOS at irregular na dating ng monthly period.
Malaking pamilya ang gusto ni Kiray. Pero sabi niya, “Hindi ko na kaya anag araw-araw! Kayo, kaya pa ba ninyo? Kayo talaga!” biro ni Kiray.
Nagtagumpay nga si Kiray sa negosyong pinasok niya at kasama ang asawa sa pag-aasikaso nito. Prinsesa ang turing sa kanya ng asawa na halos siya ang gumagawa sa lahat ng bagay gaya ng ama niya na image model sa lalaking pinakasalan.
Ayon kay Kiray, magkaibigan sila ng asawang si Stephen Estopia kaya maligaya silang dalawa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com