MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI napigilang maiyak ng isa sa lead actor ng pelikulang Desperada na si Mhack Morales sa premiere night na ginanap sa Gateway 2 Cineplex 18.
Naalala kasi nito ang kanyang yumaong lola na hindi man lamang napanood ang pelikula. Tanging mangilan-ngilang eksena niya lang daw ang naipanood nito bago ito binawian ng buhay.
Mahusay na ginampanan ni Mhack ang role bilang si Hesus at ‘di nagpatalbog sa aktingan with Kapuso artist Yasser Marta bilang Lucio at VMX star Robb Guinto bilang Brenda, na napakahusay din sa Desperada.
Kasama rin sa movie ang mga dekalidad na aktres na sina Mercedes Cabral bilang Carol at Sue Pradobilang Miriam, at ang baguhang si Jorge Guda bilang Paulo na mahusay sa kanyang first movie.
Ang Desperada ay entry sa 8th SinagMaynila at hatid ng LDG Productions ni Lito De Guzman at idinirehe ni Louie Ignacio na napapanood na sa mga piling sinehan hangang March 29, 2026.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com