Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent Noise ng Prime Video at ABS-CBN Studios na ginanap noong Marso 10 (Martes) sa Gateway Mall 2, Cinema 11.

Ipinalabas ang unang episode ng serye, na agad nagpasabik sa mga manonood sa misteryong hatid ng kuwento.

Kabilang sa mga dumalo sa star-studded premiere sina Ralph Malibunas, Kakki Teodoro, Joel Saracho, Junjun Quintana, Monching Gutierrez, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Joem Bascon, Mutya Orquia, Zaijian Jaranilla, KD Omalin, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban.

Matapos ang screening, nagkaroon din ng grand media conference na nagbahagi ang cast at creators ng kuwento sa likod ng paggawa ng serye at sinagot ang mga tanong ng entertainment press.

Espesyal ding inimbitahan sa event ang mga miyembro ng Filipino Sign Language (FSL) community bilang pagkilala sa papel ni KD Omalin, isang batang bingi sa serye. 

Upang maging mas eksklusibo ang programa, may FSL interpreters na nagsalin ng buong media conference para sa kanila.

Umiikot ang kuwento ng The Silent Noise sa isang pamilyang unti-unting nabubunyag ang mga lihim matapos ang isang trahedya. Habang lumalalim ang misteryo, nasusubok ang kanilang pagmamahalan, tiwala, at katahimikan na matagal nilang itinago.

Mapapanood ang The Silent Noise simula Marso 20 sa Prime Video, na dalawang bagong episode ang ilalabas kada linggo at mapapanood sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.

Kasama ang The Silent Noise sa iba pang catalogue ng Prime Video gaya ng The Alibi, LOL: Last One Laughing Philippines, Linlang, Drag Den with Manila Luzon Seasons 1 at 2. Kasama rin ang mga Korean titles gaya ng Siren’s Kiss, Spring Fever, Surely Tomorrow, Nice to Not Meet You, Confidence Queen, Head Over Heels, GOOD BOY, Newtopia, Marry My Husband. Anime hits tulad ng Mobile Suit Gundam GQuuuuuuX, Jujutsu Kaisen 0, Rurouni Kenshin. Bukod pa rito ang mga award-winning at critically acclaimed na serye at pelikula mula sa Amazon MGM Studios gaya ng Young Sherlock, Fallout, The Bluff, Heads of State, Reacher, Red One, Road House, The Boys, The Lord of the Rings: The Rings of Power, at The Summer I Turned Pretty, pati na rin ang mga fan favorites tulad ng John Wick at Challengers.

Nagbibigay din ang Prime Video ng eksklusibong access sa live sports coverage kabilang ang NBA, at mga acclaimed sportss documentaries gaya ng Bye Bye Barry, Kelce, at Earnhardt. Maaaring mapanood ng mga Prime Video member ang mga palabas at pelikula kahit saan at kahit kailan sa libo-libong compatible devices. Sa Prime Video app, puwede ring i-download ang episodes sa mobile devices at tablets para mapanood offline ng walang karagdagang bayad.

Ang Prime Video ay available sa Pilipinas sa halagang P149 kada buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …