PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PINAG-UUSAPAN ang tila lumabas na anunsiyo ng umano’y pagpapalista ng kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co sa isang simbahan sa Manila. Ito nga raw ‘yung tinatawag na “marriage banns.”
“Baka naman gawa-gawa lang iyan, A.I. or what,” pagtataas-kilay ng netizen. May sumagot namang“napaka-nega ninyo naman. Hindi ba nakakikilig nga na mabalitaang may ganyan.”
Lumabas nga sa ilang sites sa socmed ang naturang ‘marriage banns’ na ang nakalagay ang mga totoong name nina Bea at Vince.
Ferdinand Vincent Pe Co (groom) at Phylbert Angelli Escalante Ranollo (bride) ang kinakikiligan ngayong post na nakatala sa isang Catholic Church sa Manila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com