PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“SURPRISE muna, ganoon naman ‘di ba, dahan-dahan,” sagot ni Coco Martin sa tanong kung bakit Sigabo at ano ang ibig sabihin nito, ukol sa soon to air niyang series kasama si Julia Montes.
Segue pa nito, “ibang-iba ako rito, Malayo sa mga nakita ninyo sa akin sa ‘Probinsyano’ at ‘Batang Quiapo.’ Siyempre naging extra and super special ito dahil kay Juls.”
“Naghihintay ako ng right project para sa pagsasama namin ni Julia. Si Juls ngayon, pukpukan ang training. Nag-aaral siya ngayon ng sa baril, ng fight, sa motor. Inakma namin ‘yung kwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon. First time namin magla-light. Pasasayahin naman natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi,” paliwanag nito sa kaugnay na panayam sa TV Patrol.
Mixture of comedy drama, romance, at kaunting action ang tatahaking landas ng Sigabo.
“Halos lahat ng mga kasama namin mga comedian. Tapos episodic siya, iba-ibang kwento, iba’t ibang mission. Para iba-ibang experience every week.” dagdag pa ni Coco.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com