SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
TULOY na tuloy na pero pahulaan kung kailan nga ba ikakasal sina Bea Alonzo sa kanyang boyfriend na si Vincent Co.
Kumalat sa social media ang marriage banns ni Bea at ng presidente at direktor ng Puregold Price Club.
Inihayag sa marriage banns sa St. Peter the Apostle Parish sa Manila noong March 8 ang pangalan ng dalawa.
“Ferdinand Vincent Pe Co – Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo – Bride” ang nakalista sa wedding banns.
Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea.
Sa Pilipinas, bago dumating ang araw ng kasal isinasagawa ang public notice ng marriage banns na inihahayag sa simbahang pagdarausan ng kasal. Isinasagawa ito ng tatlong magkakasunod na linggo. Isa rin itong requirement para sa mga ikakasal.
Wala pang opisyal na pahayag sina Bea at Vincent ukol sa kung kailan o iba pang detalye sa pagpapakasal nila ngayong taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com