MA at PA
ni Rommel Placente
MATAPOS makisawsaw ni Alvin Aragon sa isyu ni Quezon City Representative Bong Suntay sa pahayag nito tungkol kay Anne Curtis, sinopla siya ng kanyang step son na si Sofia Trazona, na anak ng misis niya, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy.
Naging mainit ang usapan sa social media matapos sabihin ni Suntay na “nag-init siya” at may nabuhay na desire sa loob niya dahil ang ganda-ganda raw ni Anne nang makita niya ito sa Shangri-La.
“Kahit hindi si Anne ang tinitingnan mo nang may pagnanasa, may mag-iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs… Kaya Filipino men protect your wife, may ‘sin of lust’ kasi,” sabi ni Alvin sa isang social media post.
“And Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. Kasi nga may ‘sin of lust’. Alam n’yo mahirap talaga ‘yan iwasan. Si Jesus lang ang makatutulong sa ‘yo ma- overcome ‘yan,” dagdag pa ng dating actor.
Dahil dito, hindi nga napigilan ni Sofia na mag-react sa komento ng mister ng kanyang ina. Sabi nito sa isang social media post din, “Ang dumi mag isip ah walang respeto sa babae.
“Kung si Miss Anne, magsuot siya nang covered lahat, bestida, or kahit ano mang trip niyang suotin, if ‘yung lalaki tiningnan siya maliciously, that’s his problem… in other words, you just have malicious intent.
“To the women out there, wear whatever you want. Jusko, hindi natin kailangang makinig, hindi natin kailangang bigyan pansin ang mga ganito mag-isip,” pasaring pa si Sofia sa kanyang step dad.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com