Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
National Taekwondo Center
NILAGDAAN nina Phiippine Taekwondo Association (PTA) President Rafael Alunan (kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick "Pato" Gregorio ang Memorandum of Agreement (MOA), saksi sina (mula sa kaliwa), Dr. Noli Gabriel PTA vice president, GM Sung Chon Hong chairman, Atty. Guillermo Iroy PSC executive director, Mr. Raul Samson PTA secretary general, at sina PSC commisioners, Mr. Walter Torres, Ms. Olivia 'Bong' Coo, at Mr. Fritz Gaston. Kasunod ang 'Ground breaking ceremony' kasama ang iba pang PTA officers para sa itatayong National Taekwondo Center (dating PSC Bowling Alley) sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

National Taekwondo Center, itatayo sa dating bowling alley ng Rizal Memorial Sports Complex

NAGPAHAYAG ng patuloy na suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Taekwondo Association (PTA) matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony para sa itatayong National Taekwondo Center sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.

Pinangunahan ni PSC chairman Patrick Gregorio ang seremonya para sa bagong training facility na itatayo sa dating kinatatayuan ng lumang PSC Bowling Center. Inaasahang kayang mag-accommodate ng hanggang 100 taekwondo jins araw-araw ang naturang pasilidad.

Dumalo sa okasyon sina PTA president Rafael Alunan III, secretary-general Rocky Samson, PSC commissioners Bong Coo, Fritz Gaston at Walter Torres, kasama ang mga miyembro ng national pool. Nakiisa rin sa programa si Grand Master Hong Sung-Chong, na kinikilalang ama ng Philippine taekwondo.

Ayon kay Gregorio, malaking tulong ang bagong pasilidad upang mas mapalakas ang programa ng taekwondo sa bansa.

“Sa bagong taekwondo center na ito, mas marami tayong maho-host na international tournaments at mas mabibigyan ng exposure ang ating national athletes. Magbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa ating sport at sa ating mga atleta,” pahayag ni Gregorio.

Nagpasalamat naman si Alunan sa PSC sa patuloy na suporta at sa mga pagbabagong naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Gregorio.

“Patuloy naming palalakasin ang grassroots program ng taekwondo, makapag-produce ng mas maraming champion athletes at makapaghubog ng mga susunod na lider ng sport,” ani Alunan.

Ang bagong pasilidad ay papalit sa lumang bowling center na naging tahanan ng ilang world champions tulad nina Paeng Nepomuceno, Arianne Cerdena at Bong Coo.

“Matapos ang mahigit 20 taon, malapit nang matupad ang ating pangarap na magkaroon ng sariling training center. Maraming salamat sa PSC sa pangunguna sa pagtatayo ng National Taekwondo Center na tugma sa ating bisyon para sa Philippine taekwondo,” dagdag ni Alunan.

Itatayo ang pasilidad sa 1,131 square meter na lupain at magkakaroon ng apat na international championship rings na may seating capacity na 850 para sa mga manonood.

Sinabi rin ni Gregorio na matagal nang kinakailangan ang isang bagong tahanan para sa Philippine taekwondo. Aniya, hindi lamang PSC ang magpopondo sa proyekto dahil sasagutin din ng PTA ang malaking bahagi ng gastusin. Inaasahang matatapos ang konstruksyon bago matapos ang taon.

Magugunitang mula nang maupo si Gregorio bilang PSC chairman noong Hulyo ng nakaraang taon ay isinagawa ang iba’t ibang renovation at upgrade para sa kapakinabangan ng mga national athletes, kabilang ang strength and conditioning centers sa Teachers’ Camp sa Baguio at Philsports Complex, ang pagtatayo ng sports museum sa tulong ni First Lady Liza Araneta Marcos, at ang pagsasaayos ng Rizal Memorial Tennis Center at ng buong Rizal Memorial Sports Complex. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …

World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng …