Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Galedo PhilCycling
UNA si Mark John Lexer Galedo sa individual time trial para sa Masters, ng PhilCycling National Championships for Road 2026 nitong nakaraang linggo. (PhilCycling)

Galedo, namayani sa PhilCycling Road National Championships 2026

HINDI matinag si Mark John Lexer Galedo sa individual time trial para sa Masters, habang 1-2-3 namang nagtapos ang mga rider ng Standard Insurance sa Women’s Under-23 individual road race sa PhilCycling National Championships for Road 2026 nitong nakaraang linggo.

Ngunit ang tampok ng linggo ay ang paggawad ng Mark Arvin España Armendez Gold Medal sa kampeon ng Men’s Junior road race—na napanalunan ni Kim Jerome Duremdes—na sinundan ng pagbibigay ng sertipiko sa mga magulang ng yumaong 18-anyos na siklista na sina Johny at Marlyn, at kapatid na si Joanna Mae.

“Maraming salamat po sa tribute sa aming anak na talagang dedicated po sa cycling,” emosyonal na pahayag ni Marlyn Armendez sa harap ng mga siklista at manonood. “Bago po siya namatay ay nag-training na po siya para sa national championships.”

Pumanaw ang batang Armendez dahil sa electrocution habang nangingisda gamit ang improvised electric device sa isang latian sa likod ng kanilang bahay sa Barangay Palina East, Urdaneta City, Pangasinan, noong Enero 22—eksaktong isang linggo bago ang kanyang ika-19 kaarawan.

Dala ni Galedo ang porma na nagbigay sa kanya ng back-to-back ITT Masters 40-44 age category titles sa Asian Cycling Confederation Road Championships (Thailand 2025 at Saudi Arabia 2026) at dinomina ang 18-kilometrong karera laban sa oras sa loob ng 22 minuto.

Ang dating Southeast Asian Games gold medalist, na ngayon ay miyembro ng national road coaching staff, ay nanalo nang may 40 segundong agwat laban kay Ronnel Hualda at halos isa’t kalahating minuto laban sa pumangatlong si Jacinto Barbaran Jr. sa event na inihandog ng Standard Insurance at MVP Sports Foundation.

Samantala, ipinamalas ng mga kababaihan ng Standard Insurance ang kanilang husay sa Women’s Under-23 road race ng torneo na sinuportahan din ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Tagaytay City sa pamumuno ni Mayor Brent Tolentino, Excellent Noodles at 7-Eleven Philippines.

Namayagpag si Angela Joy Marie Bermejo sa 88-kilometrong karera sa oras na 2:07:45, sinundan nang dikit ng kakamping si Angelica Elvira at halos isang bike length ang pagitan kay Rayven Joy Valdez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng …

Raheel Bhyria

Raheel Bhyria 1 taon pa bago tuluyang gumaling sa aksidente sa basketball

RATED Rni Rommel Gonzales NASA maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling na si Raheel Bhyria nang maaksidente …

Alesandrea Carpio PSA Forum PSC

Filipinas, Tutok sa Teamwork para sa World Cup

IPINAHAYAG ni Filipinas forward Alesandrea Carpio na iisa lamang ang pinakamabisang paraan upang makapaghanda ang …

PSC POC Philippine Sports Hall of Fame GAB

Mga bagong alamat, magniningning sa Philippine Sports Hall of Fame

ANG prestihiyosong Philippine Sports Hall of Fame ay tatanggap ng ikalimang pangkat ng mga inductee …

Special Olympics Pilipinas SOP PSC

SOP pinalawig ugnayan sa PSC; PH magho-host ng Asia Pacific 3×3 tilt

SA patuloy na pagsisikap tungo sa mas inklusibong mundo ng palakasan, pinalawig ng Special Olympics …