Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Dee Xian Gaza

Michelle Dee nagsampa ng cyber libel complain vs. Xian Gaza

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGSAMPA sa NBI–Cybercrime Division nitong Lunes, February 16, ang actress-beauty queen na si Michelle Dee ng cyber libel complaint laban sa self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.

Wala pang detalye kung ano ang dahilan ng reklamo ng beauty queen pero posibleng konektado ito sa kontrobersiya na muling sumiklab sa social media.

Isa sa sinasabing dahilan ng pagkakaso ay nang maglabas si Xian ng isang blind item na ikinonekta ng netizens kina Michelle, Rhian Ramos, at Samantha Panlilio kamakailan.

Sa item na iyon, tinukoy umano ang isang beauty queen na may ka-threesome, at sinabing ito ay sina “S” at “R.”

Pero giit ng aktres/beauty queen, “The point is hindi dapat i-normalize ang pagsasalita niyon sa mga babae. I think we should respect women’s rights and privacy.”

Kasama ni Michelle na nagtungo sa NBI ang kanyang abogadong si Atty. Maggie Garduque

Maliban kay Xian, tatlo pang Facebook page ang sinampahan ng reklamo kaugnay ng umano’y pagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya.

Kabilang umano rito ang pekeng balita na tumakas na si Michelle at pumunta na sa ibang bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Yuki Sonoda Tony Labrusca Kelley Day

Yuki Sonoda, happy sa pagpasok ng “All About Her” sa Sinag Maynila 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Yuki Sonoda na sobrang saya niya nang nalamang ang …

Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABILni John Fontanilla MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding …

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Glenda Dela Cruz Ogie Diaz

Stroke survivor Miss Glenda ininterview ni Ogie Diaz, sinagot pag-uugnay kay Zaldy Co

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …